MGA DAPAT NA GAWIN UPANG MAPANGALAGAAN ANG KASUOTAN
Isa sa pinakamabisang paraan ng pag-aalaga ng kasuotan ay ang tamang paggamit nito. Kailangan din isaalang alang-alang ang paglalaba nito ng maayos para maprotektahan ang mga kulay at tela ng damit. Iwasang marumihan ang mga damit na suot hangga't maari. Ang kasuotan ay ating proteksyon at balot sa katawan para tayo ay komportableng humarap sa mga tao.
Narito pa ang ilan sa mga dapat na gawin sa iyong kasuotan para alagaan ito kung sakaling mangyari ang mga sitwasyon na ito sa iyo.
Kung sakaling nakita mo na punit ang iyong kamisita, kailangang tahiiin ito. Kung marunong kang magtahi, kailangang akma ang kulay ng sinulid sa kulay ng tela ng damit para maiwasan ang di magandang kahihitnan ng damit.
Kung namantsahan naman ang damit ng tsokolate, kailangang gumamit ka ng mga natural na pangtanggal ng dumi. Tulad ng sabong panglaba. Maari din namang gumamit ng mga kemikal pero kailangang balansehin ang paggamit nito para maiiwasan ang pagkasira ng tela. Maari kang gumamit ng kalamansi at baking soda para matanggal ang mantsa na natira sa damit. Pagkatapos ay banlawang maigi ang damit.
Kung sakaling tuyo naman na ang damit na nakasampay, kumuha ng malinis na lagayan at dito ilagay ang tuyong damit. Pagkatapos ay ilagay sa isang lugar malayo sa dumi o tubig. Ayusin ang pagtupi para maiwasan ang pagkagusot-gusot ng mga damit.
Kung ikaw ay maglalaba, siguraduhin munang nakahiwalay ang puti sa mga de-kolor na mga damit para maiwasan ang paghalo-halo ng kulay lalo na sa mga damit na kumukupas. siguraduhin din na wala nang laman ang mga bulsa at naksara ang mga butones para maiwasan ang pagsabit nito sa ibang damit.
Kung ikaw ay nasa paaralan at tamang nakita mo ang iyong upuan ay kailangan mong linisin muna ang dumi. Kung ang dumi ay likido, kumuha ng basahan at punasan ito. Kung ito naman ay dumi lamang tulad ng alikabok, kailangan mong kumuha ng walis para tanggalin ang dumi. Iwasan na marumihan ang damit hangga't maari.
Ilan lamang ito sa mga sitwasyon na nagpapakita ng tamang pag-aalaga sa mga kasuotan. Ingatan natin ang ating kasuotan na para bang parte sila ng ating katawan para tumagal.
Pangangalaga at mga Paraan Upang Mapanatiling Malinis ang Sariling Kasuotan
Answers & Comments
Verified answer
MGA DAPAT NA GAWIN UPANG MAPANGALAGAAN ANG KASUOTAN
Isa sa pinakamabisang paraan ng pag-aalaga ng kasuotan ay ang tamang paggamit nito. Kailangan din isaalang alang-alang ang paglalaba nito ng maayos para maprotektahan ang mga kulay at tela ng damit. Iwasang marumihan ang mga damit na suot hangga't maari. Ang kasuotan ay ating proteksyon at balot sa katawan para tayo ay komportableng humarap sa mga tao.
Narito pa ang ilan sa mga dapat na gawin sa iyong kasuotan para alagaan ito kung sakaling mangyari ang mga sitwasyon na ito sa iyo.
Ilan lamang ito sa mga sitwasyon na nagpapakita ng tamang pag-aalaga sa mga kasuotan. Ingatan natin ang ating kasuotan na para bang parte sila ng ating katawan para tumagal.
Pangangalaga at mga Paraan Upang Mapanatiling Malinis ang Sariling Kasuotan
brainly.ph/question/5181529
#LETSSTUDY