Questions


August 2022 1 4 Report
Panghuling Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasiya ng Market economy:
A Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
D. Ito ay alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
2. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa Market economy.
A Wala, sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya ay nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
3. Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
A. konsyumer
B. pamahalaan
C. pamilihan
D. prodyuser
4. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. likas-yaman
B. pamahalaan
C. presyo
D. produsyer
5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
A. mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa
B. makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito
C. makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paanoepisyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa
D. matugunanang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.