PANGHULING PAGSUSULIT
PANUTO: Basahin ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang klima sa La Trinidad, Benguet ay mainam taniman ng mga gulay at prutas
tulad ng repolyo, carrots, patatas at iba pa. Kaya naman, malaki ang pakinabang
dito ng lungsod at maging ng bansa. Ano-anong kapakinabangang pangekonomiko ang naibibigay nito?
A. Pakinabang sa Produkto at Turismo
B. Pakinabang sa Enerhiya at Turismo
C.Pakinabang sa Produkto at Enerhiya
2. Dahil sa pandemya marami ang nakaranas ng pagkagutom at upang
mabawasan ito hinikayat ang mga magulang at mag-aaral na magtanim sa
kanilang tahanan ng iba’t ibang gulay at mga halaman. Marami ang nakiisa sa
panawagang ito. Anong kapakinabang pang-ekonomiko ang naibahagi nito?
A. Pakinabang sa Turismo
B. Pakinabang sa Enerhiya
C. Pakinabang sa Produkto at Kalakal
3. Ang mahabang baybayin ng Zambales ay nakapagbigay ng hanapbuhay sa
mangingisda. Ang gandang taglay ng mga dalampasigan nito ay nakakahikayat
ng mga turistang lokal at dayuhan, Anong pakinabang pang-ekonomiko ang hatid
nito sa ating bansa?
A. Pakinabang sa Produkto at Turismo
B. Pakinabang sa Enerhiya at Turismo
C.Pakinabang sa Produkto at Enerhiya
4. Sa lalawigan ng Rizal matatagpuan ang mga Windmill na nakapagbibigay ng
kuryente sa lugar. Ang mga windmill ay mga naglalakihang elisi na itinayo malapit
sa lawa at pinaandar ng hangin. Anong kapakinabangan pang-ekonomiko ang
dulot ng windmill?
A. Pakinabang sa Produkto at Kalakal
B. Pakinabang sa Produkto at Turismo
C. Pakinabang sa Enerhiya at Turismo
5. Ang Bundok Apo na matatagpuan sa Mindanao ay dinarayo ng mga
lokal at dayuhang turista. Layunin ng mga ito na maakyat ang
pinakamataas na bundok sa bansa samantalang ang iba ay
nakokontento na matanaw ito. Anong kapakinabang pang-ekonomiko
ang dulot nito?
A. Pakinabang sa Produkto at Kalakal
B. Pakinabang sa Turismo
C. Pakinabang sa Enerhiya

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.