Questions


October 2022 1 0 Report
Pamute: Basahin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang pangunahing salik na bumubuo sa konsepto ng likas-kayang pag-unlad ay
A. pangkalikasan at pangkaunlaran C. pang-ekonomiya at panlipunan
B. panlipunan at pangkalikasan D. pangkalikasan at pang-ekonomiya
2. Paano nakakahadlang ang labis na paggamit ng likas na yaman sa likas-kayang pag-unlad?
A. Labis na dumarami ang basura na nakakasama sa kalikasan.
B. Nasasayang ang likas na yaman dahil sa labis na paggamit nito.
C. Nauubos nang mabilis ang mga likas na yaman dahil sa labis na paggamit nito.
D. Lahat ng nabanggit.
3. Bakit mahalaga ang pagsulong sa likas-kayang pag-unlad?
A. Nagpapatatag ng ugnayan ng mga bansa.
B.Nabibigyang-halaga ang mga pangangailangan ng tao.
C.Napapanatili ang magandang ugnayan ng mga bansa.
D. Natutugunan ang pangangailangan sa kasalukuyan na hindi nakokompromisa ang
pangangailangan ng hinaharap.
4. Pinarangalan ang mga Pilipinong siyentista na nakapag-ambag ng pambihirang
kontribusyon sa pananaliksik na naganap sa World Trade Center noong
A. Hulyo 17, 2016
C. Hulyo 17, 2018
B. Hulyo 17, 2017
D. Hulyo 17, 2019
5.Paano ka makakatulong sa pagsulong ng likas-kayang pag-unlad?
A.Gumamit ng LED lights.
C. Magtipid sa paggamit ng kuryente.
B.Huwag magsayang ng pagkain. D.Lahat ng nabanggit.
6. Kilala ang pamilya Oligario sa malalawak na lupain na pag-aari nila.Gusto nila itong
gawing subdibisyon . Ano ang posibleng maging epekto nito sa kalikasan?
A. Pagkakaroon ng magagandang kabahayan.
B. Pagkakaroon ng maraming trabaho ang mamamayan.
C.Gaganda ang kapaligiran at dadami ang mangungupahan.
D. May posibilidad na bahain at pagguho ng lupa sa lugar.
7. Ang Barangay Malinis ay nagsasagawa ng paglilinis ng mga estero at sapa. Dahil may
ordinansa na magmumulta nang malaki ang makitang magtatapon ng basura dito. Ano ang
dapat gawin ng mga tao dito?
A. Susunod sa ordinansa nang may paggalang
B.Pagpapakita ng sariling gawang mabuti
C.Susunod lang kapag may nagroronda
D.Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
8. Ang pamilya Naces ay namasyal sa probinsya .Nakita nila na puro putol na ang mga
matatandang puno sa lugar nila.Ano dapat ang ginawa ng mga namumuno sa kanilang
barangay?
A.Nagtanim sila ng panibagong puno.
B. Papatayuan ng paaralan ng Kinder.
C. Pakialaman ang ginawa nila.
D.Wala sa nabanggit.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.