Pamprosesong Tanong: Isulat ang iyong sagot sa portfolio
1. Saan karaniwang umusbong ang mga kaharian?
2. Sa anong aspeto o katangian nagkakatulad ang mga kaharian sa kanlurang Africa?
3. Sa iyong palagay bakit sila may pagkakatulad?
4. May kaugnayan ba ang paraan ng pamumuno sa dahilan ng pag-unlad at pagbagsak ng mga kaharian?
5. Paano maiuugnay ang kanilang sinaunang pamumuhay sa kasalukuyan?
Pamprosesong Tanong: Isulat ang iyong sagot sa portfolio
1. Paano hinubog ng heograpiya ang pag-usbong ng mga kabihasnan?
2. Paano mapaghahambing ang mga kabihasnan sa Mesoamerica?
3. Bakit umunlad ang mga kabihasnan sa Mesoamerica?
4. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng mga kabihasnan?
5. Paano maiuugnay ang kanilang sinaunang pamumuhay sa kasalukuyan?
Pamprosesong Tanong: Isulat ang iyong sagot sa portfolio
1. Bakit tinawag na tatlong malalaking pangkat ng pulo ang Polynesia,
Micronesia at Melanesia?
2. Paano hinubog ng heograpiya ang pag-usbong ng mga kabihasnan?
3. Paano maipaghahambing ang pamumuhay ng mga isla sa pacific?
4. May pagkakatulad ba ang pamumuhay nila sa sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Africa at Mesoamerica? Sa anong aspeto?
5. Paano nakaaapekto ang isang pinuno sap ag-unlad at pagbagsak ng isang kabihasnan?
Answers & Comments
Pamprosesong Tanong:
AFRICA
1. Ang mga kaharian sa Africa ay mga umusbong malapit sa mga ilog gaya ng Ilog Niger at Sinegal.
2. Sila ay pare parehong nabubuhay sa pamamagitan ng pakikipagkalakan.
3. Palagay ko kaya sila pare preho ng pamumuhay ay dahil halos magkakalapit din ang kanilang lokasyon at pareho ng pinagkukunan ng hanapbuhay.
4. Pare pareho silang may magagaling at maayos na pinuno kaya sila umunlad ngunit dahil sa mga kaguluhan sa pagitan ng mga mamamayan ay naging sanhi rin ito ng kanilang pagbagsak.
5. Maiuugnay ko ito sa ating pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakapareho ng pinagkukunan ng hanapbuhay. Ang mga tao rin ngayon ay nakikipag-kalakalan upang mabuhay at makakuha ng pantustos ng pangangailangan.
ISLA NG PACIFIC
1.Ang pacific island ay binubuo ng tatlong grupo at ito nga ay Polynesia, Micronesia at Melanesia. Iyon ang itinawag rito sapagkat ang islang ito ay maaaring gawa sa bulkan o gawa sa mga coral reefs.
2. Hinubog ng heograpiya nito ang pag-usnong ng mga kabihasnan sa paraan ng pamumuno, paglinang ng mga kaalaman at kasanayan, at maging sa pakikipag ugnayan nila sa isa't isa upang matubunan ang kanilang mga pangangailangan.
3. Maihahambing natin ito sa mga uri ng hanapbuhay na meron sila. Ang pangunahing hanapbuhay sa islang polynesian ay ang pagsasaka, pangingisda at pagtatanim.
4. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas na pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima sa iba't ibang bahagi ng rehiyon.
5.Nakakaapekto ang paraan ng pamumuno sa pag-unlad at pagbagsak ng mga kabihasna. Nakadepende kung paano pamumunuan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Kung sya ay maayos na pinuno, maaring maging maunlad ang kanyang nasasakupan ngunit kung siya naman ay ganid at may masamang hangarin, maaring masira ang kabihasnan.
#STUDY HARD:>