Ipinapakita rito ang isang batang babae na nakahiga na tila nabulàbog mula sa pagkakatulog dulot ng malakas na pagtunog ng kaniyang alarm clock.
➛Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan?Sa anong uri ng sitwasyon?Ipaliwanag.
OPO!Naranasan ko na.Ito ay noong nahihirapan akong magkaroon ng iskedyulat disiplina sa sarili. Tulad ng bata sa larawan na hindi sanay gumising nang maaga, hamon din sa akin ang paggawa ng aking mga gawain sa wasto at takdang oras. Kung minsan ay nauubos ang aking oras sa mga bagay na walang kabuluhan at di masyadong mahalaga, pagkatapos ay nawawalan ako ng oras sa paggawa ng mas mahahalaga at pangunahing mga bagay. Pakiramdam ko tuloy hindi ako disiplinado sa paggamit ng wasto sa aking Oras.
➛Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan mong pumili?Ipaliwanag.
Sa t'wing napapaharap ako sa paggawa ng desisyon ─ maliit man o malaki, ang unang-una kong ginagawa ay ang pananalangin sa Diyos dahil nabibigyan ako ng karunungan sa tamang pagpapasya.Pagkatapos ay humihingi ako ng payo sa mga magulangat nakatatanda sa akin kung paano ko sosolusyonan ang problema. Makakatulong din ang salita ng Diyos -ang Bibliya,upang makakuha ako ng maasahang payo kung paano haharapin ang mga mahihirap na sitwasyon sa aking buhay. Panghuli, isinasa alang-alang ko ang mga posibleng epekto ng aking mga pagpapasya at tintingnan kung makakabuti ba ito sa akin at sa iba. Magpapasya ako, babalansehin ang mga bagay-bagay, pagkatapos ay uunahin ang mas mahahalagang bagay at magpapasya.
Answers & Comments
DESISYON
KATANUNGAN at ang mga KASAGUTAN:
➛ Ano ang ipinapakita sa larawan?
➛ Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng sitwasyon? Ipaliwanag.
➛ Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan mong pumili? Ipaliwanag.
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
#CarryOnLearning
(^_^メ)