ang pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya, ang pilipino ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan. Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito. Ang mga ito rin ang magdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa.
pakinabang sa turismo
bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing ang maraming lugar at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan at maging labas ng bansa. Ilan sa mga atrasksiyong ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan, at maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga turista ang mga maksaysayang lugar sa bansa. Bunga nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya.
pakinabang sa enerhiya
pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa. Isa itong malaking bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin kailangan umangkat pa ng maraming krudo o langis.
pinatatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon ng maria cristina, lawa ng caliraya, at lakas ng hangin sa bangui, ilocos norte sa pamamagitan ng windmill.
Answers & Comments
Answer:
pakinabang sa kalakal at produkto