Questions


October 2022 1 4 Report
paki Ayos


1. Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899. Ano ang tunay na layunin ng mga Amerikano sa pakikidigma nila sa mga Pilipino?

A. Nais nilang paunlarin at gawing sibilisado ang mga Pilipino.
B. Nais nilang sakupin ang Pilipinas at gawing kolonya ng Amerika.
C. Nais nilang ipakita na mas makapangyarihan sila kaysa Espanyol.
D. Nais nilang palayain ang Cuba mula sa pagiging kolonya ng Spain.

2. Sino ang tanyag na heneral na may nakalulungkot na sinapit dahil sa pagpaslang sa kaniya ng mga kasamahang Pilipino sa himagsikan?

A. Antonio Luna
B. Emilio Aguinaldo
C. Gregorio del Pilar
D. Miguel Malvar
3. Anong pangyayari ang itinuturing na nagpahina at nagbigay-wakas sa Digmaang Pilipino-Amerikano?

A. Labanan sa Tirad Pass
B. Pagkasawi ni Antonio Luna
C. Pagdakip kay Emilio Aguinaldo
D. Paglipat ni Aguinaldo sa Pampanga

4. Paano ipinakita ni Heneral Gregorio del Pilar ang kaniyang kabayanihan bilang pagtatanggol sa itinatag na Republika ng Pilipinas?

A. Binuwis niya ang kaniyang buhay sa Labanan sa Tirad Pass.
B. Nagkunwari siyang kaalyado ng mga Amerikanong sundalo.
C. Sumama siya kay Aguinaldo sa pagtungo sa Palanan, Isabela.
D. Walang wastong sagot sa mga pagpipilian.

5. Anong pangyayari ang hindi naganap noong Digmaang Pilipino-Amerikano?

A. Nasawi sina Antonio Luna at Gregorio del Pilar.
B. Nahuli si Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela.
C. Nagwagi ang mga Filipino sa nasabing digmaan.
D. Umabot ang digmaan sa iba’t ibang dako ng bansa.

6. Ano ang tawag sa insidente sa Samar kung saan naghiganti ang mga Amerikano sa mga katutubo dahil sa pagsalakay nito sa hukbong Amerikano?

A. Balangiga Massacre
B. Digmaang Filipino-Amerikano
C. Labanan sa Tirad Pass
D. Samar Massacre

7. Ang sumusunod na pangyayari ay mga patunay na nais sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas maliban sa ________.

A. Paglagda sa Kasunduan sa Paris
B. Pagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas
C. Pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano
D. Paghayag ng Benevolent Assimilation Proclamation

8. Bakit mahalaga ang Labanan sa Tirad Pass sa Digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Pataksil na pinaslang si Antonio Luna ng mga dating tauhan.
B. Tuluyang nadakip si Emilio Aguinaldo at nanumpa ng katapatan.
C. Magiting na nakipaglaban si Gregorio del Pilar sa mga Amerikano.
D. Natalo ng mga Pilipino ang mga Amerikano sa labanan sa Tirad Pass.

9. Ano ang mahalagang bagay na naipakita ng mga Pilipino sa pakikipaglaban nila sa mga Amerikano?

A. Maraming Pilipino ang naging taksil sa kanilang kababayan.
B. Matatapang ang mga Pilipino ngunit sadyang hindi magaling.
C. Limitado ang angking kasanayan ng mga Pilipino sa pakikidigma.
D. Buong pusong ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ng bansa.

10. Bilang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang kagitingan at pagmamahal na ipinakita ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan?

A. Basahing mabuti ang kasaysayan ng digmaan.
B. Gumawa ng mga proyekto tungkol sa digmaan.
C. Ipagmalaki ang kabayanihan ng maraming Pilipino.
D. Awayin ang mga Amerikano dahil sa ginawang pananakop​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.