Pagtataya B. Isulat ang TAMA kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay wasto at MALI kung hindi wasto.

1. Ang pagpunit ng cedula sa Pugad Lawin ay nakilala sa kasaysayan sa tawag na "Sigaw sa Pugad Lawin." Ito ang opisyal na pagsisimula ng Himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyo

2. Ang pangungumpisal ni Teodoro Patino kay Padre Mariano ang dahilan upang maging matagumpay ang himagsikan.

3. Sa panahon ng pakikipaglaban sa mga Espanyol ay nananatiling isang matatag na pangkat ang Katipunan kung kaya't ito'y hindi madaling nagapi ng mga Kastila.

4. Ang paghahati ng mga rebolusyonaryo sa Cavite ang nagtulak kay Andres Bonifacio na pag-isahin ang mga Katipunero sa lalawigan. Ang pagpupulong na ito ay nakilala sa tawag na "Kumbensiyong Tejeros."

5. Ang Kumbensiyon sa Tejeros ay isang matagumpay na hakbang ni Bonifacio upang muling mapag-isa ang mga katipunero.

6. Ang Cavite ay patuloy na lumakas laban sa mga Kastila dahil sa matagumpay na pamumuno ni Emilio Aguinaldo.

7. Nilalaman ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya at ang Pagtatayo ng Republikang Pilipino.

8. Ang kawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa't isa ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang kasunduan sa Biak-na-Bato.

9. Ipinamalas ni Melchora Aquino na hindi naging hadlang ang kanyang edad upang tulungan ang mga sugatang katipunero.

10. Sa pakikipaglaban ng ilang kababaihan sa panahon ng himagsikan ay ipinamals nila na hindi hadlang ang kasarian.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.