Ang HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapón) ay itinatag noong 29 Marso 1941 sa Sityo Bawit, Cabiao, Nueva Ecija. Pinangasiwaan ito ng lupong militar na hawak ni Luis Taruc, na siyang pinakapuno. Ang iba pang kasapi ng lupon ay sina Casto Alejandrino, ikalawang pinuno; Felipa Culala, at Bernardo Poblete. Bumuo ng isa pang sangay ng militar ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) upang matiyak na hawak nito ang Hukbalahap, na kinabibilangan nina Luis Taruc, Casto Alejandrino, Mariano P. Balgos, punong hepe; Juan Feleo, Mateo del Castillo, at Ong Kiet, ang kumander ng Hukbong Gerilyang Tsinong Wha Chi.
Nang sumiklab ang digmaan at sakupin ng Japan ang Filipinas, bumuo ng Barrio United Defense Corps (BUDC) ang PKP upang ipagtanggol ang mga tao laban sa mga mananakop at masasamang loob. Tinulungan ng Hukbalahap ang BUDC sa mga gawain nito.
Kontra sa pananakop ng Japan sa Filipinas ang Hukbalahap, at naging matibay na sandigan ng mga tao sa panahon ng digmaan.
Itinatag ni Luis Taruc ang HUKBALAHAP. Isa itong samahan at kilusan na nangangahulugang hukbong bayan laban sa hapon. Ito ay noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones.
Nagsimula ito sa Gitnang Luzon at ang pangunahing layunin ay kalabanin ang mapang-abusong pananakop ng mga hapones at mapalaya ang Pilipinas mula sa bihag ng Hapon.
Ang mga kabilang sa HUKBALAHAP ay ang mga magsasaka na naagawan at kinamkam ng lupain ng mga Hapones. Naging matagumpay naman kahit papaano ang kilusan.
Marami silang nabihag na mga sundalong Hapones. Marami rin ang napatay. Naging tahimik ang Gitnang Luzon dahil sa mga HUKBALAHAP at natakot ang mga Hapones sa kanila.
Answers & Comments
ANSWER:

Answer: