Noong mga unang taon ng kolonisasyon, naging matindi ang pagbaba ng produksyon ng mga produktong agricultural dahil ipinatupad na reduccion. Ang patakarang ito ay naglayo sa mga tao sa kanilang mga lupa na sinasaka. Sa pagtagal, sa gitna ng mga mapang-aping pagtrato sa mga magsasaka, natutunan pa rin ng marami ang ilang mas advanced na mga pamamaraan sa agrikultura. Subalit, dapat tandaan na ito ay hindi nakapagpabuti ng kanilang pamumuhay. Ang mataas na demand para sa mga produktong agricultural ay kinailangan ng mas progresibong pamamaraan sa pagtatanim.
Ang pagpapatayo ng imprastraktura ng mga Kastila gaya ng mga gusali, simbahan, kalsada, at tulay ay nakapagbigay-daan upang maipasa ang ilang kaalaman sa arkitektura at pagiinhinyero. Ang mga Pilipinong napilitang manilbihan sa mga konstruksyon dahil sa polo y servicios o sapilitang paggawa ay nagkaroon ng pagkakataong makisalamuha sa mga Tsinong may teknikal na kaalaman sa pagtatayo.
Maituturing din na lumawig ang kaalaman ng mga Pilipino sa agham at teknolohiya sa panahon ng mga Kastila. Ang pagdating nila sa Pilipinas ang nagsilbing daan upang marating ng modernong siyensya at teknolohiya ang ating bansa. Gayunpaman, hindi ito naging sapat upang maging progresibo ang agham at teknolohiya sa bansa.
Pumasok ang ideya ng sanitasyon. Nagtayo ng mga ospital sa iba’t-ibang panig ng bansa sa ilalim ng pamumuno at superbisyon ng mga relihiyosong orden. Sa kabila ng pagiging isang pagamutan, naging sentro rin ang mga ospital ng mga pananaliksik sa medisina. Naging pokus dito ang pag-aaral sa mga nakakahawang sakit, ang mga sanhi nito, at ang mga posibleng lunas dito. Ang ilan sa mga misyonaryong Kastila ay nanaliksik din ukol sa mga halamang nakitaan ng mga medisinal na katangian.
Ang kolonisasyon sa ilalim ng Espanya ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pormal na edukasyon at pagtatatag ng mga siyentipikong institusyon. Nabigyang-diin ang pag-aaral ng arithmetic at agham sa pamamagitan ng mga parish schools, kolehiyo, at unibersidad na itinayo sa Pilipinas. Kabilang dito ang pinakamatandang unibersidad sa Asia, ang University of Santo Tomas (UST).
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga paaralan, hindi naging maayos ang kalidad ng edukasyon na ibinabahagi nito sa mga estudyante. Ang klase ng pagtuturo ay hindi interaktibo at hindi nagbibigay-daan sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng mga konsepto. Pawang pagkakabisado ang naging batayan ng matataas na marka. Walang sapat na kagamitang panglaboratoryo sa mga unibersidad upang mapagamit sa mga estudyante at ito ay naging pang-'display' lamang. Makaluma o outdated narin ang ilan sa mga librong ginagamit sa mga kurso sa unibersidad.
Mga ilustrado sa Madrid
Iilan lamang ang nabigyan ng pribelehiyong makapag-aral, kabilang na dito ang mga ilustrado na siyang kinabibilangan ni Rizal. Nalimitihan sa mga elite, mestizos, at iilang mga Pilipino ang pagkakataong makapag-aral. Naging pokus ng mga ilustrado sa kanilang pag-aaral ang medisina, biology, at pharmacy. Dahil sa dami ng likas na yaman ng bansa, dumami rin ang mga botanists na nakilala mula sa ating bansa. Nagsimula ring lumaganap ang mga siyentipikong pag-aaral. Subalit, ito ay sumailalim sa malaking impluwensya ng mga iba-ibang relihiyosong orden.
Sa pagbubukas ng Suez Canal noong 1869, umunlad ang paglalakbay sa pagitan ng mga bansa. Nagbigay-daan ito sa mga Pilipinong makapag-aral sa ibang bansa. Ang pagkamulat ng mga ilustrado sa mga kalagayan at ideolohiya na mula sa labas ng bansa ay nagsimula ng unti-unting pag-aasam ng pagbabago sa ating bansa. Isa sa mga personalidad na ito ay si Jose Rizal
Answers & Comments