Questions


October 2022 1 0 Report
Paglipat-lipat ng Tirahan
Dahil sa mga labanan, marami ang nasirang daan, tulay, bahay, at
mga gusali. Sanhi ng magulong kalagayan ng lipunan, nagpalipat-lipat ng
tirahan ang mga Pilipino. Nakitira sila sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan
sa malalayong lugar. Kapag nabalitaan nilang darating ang mga Hapones,
agad silang lumikas sa ibang lugar dahil sa takot. Ang iba ay kung saan-saan
na lamang natutulog kapag inabot ng dilim.
Maraming mag-anak na Pilipino ang tumira sa malalayong lugar at
kabundukan. Ang mga bahay nila ay yari sa mga dahon ng niyog at kawayan.
Ang kabuhayan
Dahil sa mga pakikipagdigma ng mga sundalo at gerilyang Pilipino sa
mga Hapones, napabayaan ang lupang sinasaka. Ang ilang malalawak na
palayan sa Gitnang Luzon ay bulak ang itinanim.
Pinabawasan ng mga Hapones ang kalakalan tulad ng pagluluwas ng
produksiyon ng asukal patungong Amerika. Pinilit nila ang mga Pilipino na
gumawa ng alcohol sa halip na asukal mula sa tubo. Ang alcohol ay ginagamit
ng mga kawal na Hapones sa pagpapatakbo ng mga kotse at sasakyang
pandigma.
Pinamahalaan ng Hapones ang industriya ng tabako, abaka, niyog at
pagmimina. Nagdagdag sila ng ibang kalaman upang higit na mapaunlad ang
mga industriyang ito. Lumaki ang pakinabang nila at hindi ng mga Pilipino.
Tumaas ang pangangailangan sa pagkain kung kaya nagkaroon ng
malawakang taggutom. Dahil sa ganitong kakapusan at kahirapan, nagkaroon
ng iba't ibang pandaraya. Iba't ibang krimen ang lumaganap, tulad ng black
market o ang ilegat na bentahan ng iba't ibang produkto, panghuhuthot, pag-
iimbak, pananakaw, pandaraya, at lahat ng uri ng gawain upang magkamal ng
salapi.
Bunga ng mga pangyayaring ito, bumagsak ang ekonomiya. Nawala
ng halaga ang pera. Tumaas ang presyo ng bilihin. Nawalan ng mabibili ang
mga pera. Bumaba ang moralidad ng mga tao.
Gawain 2
Para sa iyo, anong uri ng
pamumuhay ang naranasan ng
mga Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.