Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Kristiyanismo at Judaismo ay ang kanilang paniniwala sa persona ni Jesu Cristo. Itinuturo ng Kristiyanismo na si Jesu Cristo ang katuparan ng lahat ng mga hula sa Lumang Tipan patungkol sa isang 'darating na Tagapagligtas' (Isaias 7:14; 9:6-7; Mikas 5:2). Kinikilala naman ng Judaismo si Jesu Cristo bilang isang mabuting guro, at maging bilang isang propeta ng Diyos. Hindi naniniwala ang Judaismo na si Jesus ang Mesiyas o Tagapagligtas. Pinaniniwalaan naman ng Kristiyanismo na si Jesu Cristo ang Diyos na nagkatawang tao (Juan 1:1,14; Hebreo 1:8). Itinuturo ng Kristiyanismo na nagkatawang tao ang Diyos sa persona ni Jesu Cristo upang maibigay Niya ang Kanyang buhay bilang kabayaran para sa mga kasalanan (Roma 5:8; 2 Corinto 5:21). Mariing tinatanggihan ng Judaismo ang pagka-Diyos ni Jesus maging ang pangangailangan ng Kanyang paghahandog.
Answers & Comments
Answer:

Binibigyang diin ng Hudaismo ang Kaisahan ng Diyos at tinatanggihan ang konseptong Kristiyano ng Diyos sa anyong tao.
Ang Kristiyanismo sa pangkalahatan ay naniniwala sa isang Diyos na Tatlo, na ang isang tao ay naging tao.
#Keep up :)