Answer:Pagbaha, pagkakaroon ng landslide at pabago-bagong klima, ‘yan ang ilan sa mga nararanasan nating panahon ngayon. Abnormal sa panahon noon.
Sabi nga ng mga syentipiko, ang ganitong uri ng panahon ay nakababahala na talaga. Sapagkat, dahil sa pabago-bagong panahon napakaraming pagbabago ang unti-unti nang nararanasan ng bawat isa sa atin. Nariyang may panahong sobrang init, ang pag-ulan at pagkakaroon ng bagyo ay animong delubyong sumasalanta sa bawat lugar, bahay, puno at kahit mga tao. Ang mga ganitong uri ng kalamidad ang s’yang nagpapahirap sa atin na halos ikaubos ng mga pananim, pagkasira ng mga imprastruktura, bahay at pati sariling buhay.
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga nangyayaring ito, walang dapat ibang sisihin at panagutin kundi ang tao. Ang tao na s’yang binigyan ng kaalaman at kabatiran upang paunlarin ang sarili at ang mundo, ngunit ngayo’y siya rin palang wawasak ng sanlibutan.
Ang simpleng pagtatapon lamang ng basura sa tamang tapunan ay ‘di gaanong pinahahalagahan. Nariyan ang patunay sa ating paligid – ang mga nagkalat na basura sa kalsada, estero, kanal at kahit ang ating mga anyong tubig tulad ng dagat at ilog ay hindi rin pinalagpas. Halimbawa na lang riyan ang Manila Bay.
Ang patuloy na ilegal na pagputol ng mga puno sa ating kabundukan at kagubatan ang isa sa nakaaapekto sa ating kapaligiran. Sa patuloy na pagkakalbo ng mga ito nakasalalay ang napakaraming buhay. Isipin na lang natin ang napakalaking naitutulong nito sa pagpigil sa pag-agos ng tubig ulan tuwing may bagyo. Kung wala na ang mga puno’t halaman, sino pa ang tutulong sa pagsipsip ng tubig ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagkakaroon ng landslide.
Ang ganitong suliranin ng ating kapaligiran ay maiibsan man lang bagama’t hindi na ito tuluyang maibabalik pa sa dati ay sa pamamagitan ng “3R’s” o ang Reduce, Reuse, Recycle. Ang pagsasagawa ng “3R’s” ay hindi kabawasan kahit kanino man bagkus makatutulong pa sa pagpaaunlad ng kalinisan, kaunlaran, at higit sa lahat sa ating inang kalikasan.
Sabi nga, “Kabataan, pag-asa ng ating bayan”. Kung pagbabasehan ang ganitong wikain ukol sa kabataan ay talagang napakagandang pakinggan, ngunit ano ang magiging patotoo upang ito nga talaga ay karapat-dapat wikain?
Isa sa maaring gawin ng ating kabataan ay ang pagtugon sa ating suliraning pangkapaligiran. Maaari silang tumulong sa mga proyektong pangkalikasan tulad ng pagtatanim ng puno, paglilinis ng kapaligiran at higit sa lahat ang pagsasagawa nito sa araw-araw na pamumuhay.
Bawat araw na lumilipas, iba’t-ibang uri ng paninira sa kalikasan ang nagaganap. Hindi tayo nakasisiguradong lahat ng tao sa buong mundo ay nagsisikap upang maisagawa ang nararapat. Ngunit kung tayo ay magiging modelo sa bawat isa ay mahihikayat natin ang iba ba sagipin ang isang magandang biyaya ng Diyos sa atin. Sa pamamagitan n gating lakas, talent, sipag at tiyaga makakatulong tayo sa problema sa hinaharap ng kalikasan ngayon. An gating pagkilos ay ang magiging daan para sa magandang mundo para sa susunod na henerasyon .
Sa ating sitwasyon, hindi lang ang kabataan ang pinakiki-usapang makilahok sa adbokasiya ng pamahalaan at NGO’s (Non-Government Organizations) na paunlarin ang ating kapaligiran kundi ang lahat upang mapadali at panatilihing ligtas at malinis ang ating paligid.
Ikaw ba, kung tatanungin ka, nais mo bang manahan sa mundong puno ng polusyon, basura at ang patuloy na pagkasira ng kapaligiran kasama na ang likas na yamang pinagkukunan ng inyong ikanabubuhay? Hindi diba! Sino ba ang gugustuhing tumira sa ganoong sitwasyon kung lahat ay magiging problemang iyong papasanin sa araw-araw.
Pagbabago! ‘Yan ang sasabihin mo kung saka-sakaling humantong ka sa ganoong sitwasyon. Hindi malabong mangyari iyon kaya nararapat lamang na ngayon pa lamang ay umpisahan na natin ang tuluy-tuloy na pagbabago nang makamit na natin ang kaunlaran at kaligtasang hinahangad nating lahat. Lalo na para sa ating kalikasan!
Sa mga simple nating mga gawain makatutulong tayo sa pag-sagip ng kalikasan. Tulad ng ‘di paggamit ng plastik sapagkat matagal kasi itong matunaw at kung ito’y itatapon sa dagat, maaaring mamatay ang mga isda. Magtanim din tayo pamalit sa mga pinutol na mga puno para luminis ang ating hanging nilalanghap. H’wag na rin tayong magsayang ng papel nang sa gayon ay hindi na kailanganin pang araw-araw putulin ang mga puno.
Kung ang kaliit-liitang desisyong katulad nito ay araw-araw nating ginagawa, hindi na kailangan pang umiyak ng ating inang kalikasan mula sa mga pagbabagong nais natin tungo sa kaunlaran.
Answers & Comments

Explanation: Sorry not sure