PAG-USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO
0
Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa bansang
England noong noong ika-18 siglo kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao ay
kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan (Gabuat
etal. 2016). Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop
ng kolonyalismong Espanyol na kung saan buong tapang nilang nilabanan ang mga
mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at kasanayan.
Ang mga pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtulak
sa mga Pilipino upang mag-alsa at magsagawa ng pakikipaglaban sa kolonyalismong
Espanyol
Tinutulan ng mga Pilipino ang mga maling pamamalakad at pagmamalabis sa
kapangyarihan ng mga pinunong Espanyol.
Ang inga mapang-abusong patakaran at mga kaganapan sa loob ng bansa ay
nagpaigting sa kamalayan ng mga Pilipino na kumawala sa kapangyarihan ng
Espanya at magsagawa ng mga pag-aalsa at pakikipaglaban.
Ang ipinamalas na kagitingan sa pakikipaglaban ng mga Pilipino ay
nagpamalas ng matinding pagmamahal sa bayan. Ang pagnanais na muling maibalik
ang nawalang kalayaan laban sa mga mananakop na Espanyol at muling mamuhay
ng payapa at may dangal maging kapalit man ito ng kanilang sariling mga buhay ay
sadyang hindi matatawaran.
Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang nasyonalismo?
2. Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga
sinaunang Pilipino?
3. Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang Pilipino nang kanilang kalabanin
ang mga mananakop na Espanyol?​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.