Ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman ay makatutulong upang mapanatili ang mga ito ay mapakinabangan pa ng mga susunod na salinlahi. Ilan sa maaaring gawin ay ang mga sumusunod:
1. Gawin ang hagdang-hagdang pagtatanim upang mabawasan ang pagguho ng lupa.
2. Magtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa mga bakanteng lote.
3. Magtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at mga ligaw na halaman.
4. Gawin ang bio-intensive gardening o paggamit ng organikong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang.
5. Pagtatatag ng mga sentro o sanctuary para sa mga yamang tubig.
6. Pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan.
7. Ang tatlong Rs o ang reduce, reuse, at recycle ay makatutulong sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman.
Epekto?
Mapapaganda ang ating kapaligiran, dahilan upang tayo'y umunlad.
_______________________
Di Matalinong Paraan ng Pangangasiwa
May mga gawain ding lubhang nakasisira ng kapaligiran, tulad ng:
1. Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat.
2. Paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at sa lupa.
3. Pagtatayo ng mga pabrika, gusali, o pook-alagaan malapit sa mga ilog o dagat.
4. Pagputol ng mga puno.
5. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
6. Pagtagas ng langis sa dagat.
Epekto?
Masisira ang ating kapaligiran, dahilan upang tayo'y bumaksak.
_______________________
TANDAAN MO Ang pangangasiwa sa mga likas na yaman ng ating bansa ay nangangailangan ng matalinong pamamaraan.Ang matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ay makatutulong upang higit na mapanatili at mapakinabangan ang mga ito ng mga susunod pang henerasyon.
Answers & Comments
_______________________
Likas na Yaman ng Pilipinas
_______________________
Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa