Pag-alam sa Natutuhan Basahin at unawain ang mga bahagi ng tula at sagutan ang mga tanong patungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel
PAG-IBIG Jose Corazon de Jesus (1926)
1 Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.
2 Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo y naglalaho; Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!
3 Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan, Parang lintik16 kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan, At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.
4 Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos, Walang talon 17, walang baha, walang luha, walang lunos 18! Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod19, Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog! Mga Tanong:
1. Ilan ang taludtud sa bawat saknong sa tula?
2. May tugmaan ba sa tula? Magbigay ng halimbawa.
3. Anong klaseng pag-ibig ng tao sa tao ang inilalarawan sa tula?
4. Dinig na dinig sa tula ang mensaheng makabayan. Ano-anong salita o larawan ang bumuo nito?
Answers & Comments
Answer:
1.) Sa isang saknong ay may nilalaman itong apat na taludtod.
2.) Mayroon itong tugma sa bawat tula. Halimbawa nalamang ng talata at pagkabata.
3.) Dakila any pag-ibig na inilalarawan sa tula.
4.) Dangal, Yama't dunong
5.) Pag-ibig dahil Ang pag-ibig ay napakahalaga para sa akin dahil dito natin makikita kung may pake at halaga ba tayo sa isang tao. Ang pag ibig ang nagpapaikot sa mundo.
Explanation:
just copy answer brainly.ph/question/12198784