Sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre 1, 1939 nang simulang lusubin ng Alemanya o Germany ang Warsaw, Poland bahagi ng Europa sa pamumuno ni Adolf Hitler, pinuno ng Germany.
Habang sumisiklab ang digmaan sa Europa noong 1939, nakipagsundo ang Hapon sa Alemanya at Italya. Ang tatlong bansang ito'y tinawag na Axis Powers o Lakas Axis.
Sa simula, walang balak ang Estados Unidos na sumali sa ikalawang digmaang pandaigdig. Ang plano ni Pangulong Roosevelt ay tulungan lamang ang Inglatera sa pakikihamok nito sa Europa, ayon sa kasunduang Europe First Policy, at bilang miyembro ng Allied Powers.
Sa pagsakop ng Japan sa Tsina ang naging sanhi ng pagkasangkot ng Estados Unidos sa digmaan. Pinutol ng Estados Unidos ang kasunduang pangkalakalan sa Japan, kaya nawalan ng magagamit na metal sa paggawa ng mga kagamitang pandigma ang mga hapones.
Nang masakop ng Hapon ang Indochina, pinutol ng Estados Unidos ang pagtutustos ng langis sa Japan. Dahil dito nagpasya ang Japan na makipagdigma sa Estados Unidos.
Answers & Comments
Answer: