Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kaniyang bansa nang matalo ito sa Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839- 1842) at sa Great Britain at France noon Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860). Bunga nito, nilagdaan ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang Tientsin (1858) na naglalaman ng mga probisyon na hindi patas para sa mga Tsino.
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850 at Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion) noong 1900.
Sa Japan
Sa kabilang banda, tinanggap ng Japan ang mga Kanluranin nang hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy noong 1853. Sa panahon na ito umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Hapones. Ipinakita ito ng mga Hapones sa kabila ng pananatili ng mga Kanluranin sa kanilang teritoryo. Ito ay pinasimulan ni Emperador Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na kilala bilang Meiji Restoration.
Nakita ni Emperador Mutsuhito ang maaaring maging epekto sa Japan kung patuloy silang magpupumilit na isara ang bansa mula sa mga Kanluranin. Natuto siya mula sa karanasan ng China sa pakikidigma nito sa mga kanluranin. Bagama’t handang lumaban para sa kanilang bansa, napagtanto ng mga Hapones na magiging magastos ang digmaan at maraming mga inosenteng mamamayan ang madadamay. Bukod pa dito, batid nilang mahihirapan silang manalo sa digmaan dahil sa lakas ng puwersang pandigma ng mga Kanluranin.
Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga Kanluranin sa bisa ng Kasanduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si Emperador Mutsuhito. Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912. Siya ang naglipat ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan). Bukod sa paglilipat ng kabisera, nakilala si Mutsuhito dahil sa kaniyang pagyakap sa impluwensiya ng mga Kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan.
Ipinadala ng pamahalaan ng Japan ang kaniyang mga iskolar sa Europe at United States upang matuto ng makabagong kaalaman at kaisipan sa pamamahala, kalakalan at pakikipagdigma. Tinularan din ng Japan ang pagpapaunlad ng industriya na ginawa ng United States at mga Kanluraning bansa. Hindi nagtagal, naging isang maunlad at makapangyarihang bansa ang Japan. Nagsimula na din siyang manakop ng ibang lupain upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Ilan sa kaniyang mga nasakop ay ang Korea, bahagi ng Russia at China, at Pilipinas.
Explanation:
brainliest nalang po pati sub po kayo sa channel ko Aorei stories :)
Answers & Comments
Answer:
Sa China
Sa Japan
Explanation:
brainliest nalang po pati sub po kayo sa channel ko Aorei stories :)