gawing mas makatotohanan ang tunguhin ng edukasyon at industriya ng pilipinas.
ang sistema ng edukasyon ang pangunahing tinumbok ng globalisasyon sa pamamagitan ng deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon. sa kasalukuyang panahon ay binago ang kurikulum ng edukasyon sa pilipinas. ito na ang RA 10533o Enhanced Basic Education Act of 2013 na in-institutionalize ang K-to-12 program at may tatlong komponent: trabaho, negosyo at kolehiyo.
balik tayo sa tanong, paano ba nararapat tugunan ito ng pamahalaan? Edukasyon ang tulay sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa lipunan. Edukasyon ang ginamit ng mga Amerikano upang gawing utak-kolonyal ang mga Pilipino. Edukasyon ang tulay ng WB-IMF-ADB upang matugunan ang pangangailangan ng mga Transnational Companies (TNCs) sa paggawa sa pamamagitan ng pagpapa-utang para sa pagtatatag ng mga teknikal-bokasyonal na programa sa paniniwalang ito ang pinakang-kinakailangan ng pamilihan. kasabay ay ang pagpapalakas sa agham at teknolohiya at ang paggamit ng wikang ingles sa mga paaralan. isinantabi ang mga kursong may kinalaman sa agham panlipunan dahil ang nasa likod ng globalisasyon ay ang mga kapitalistang ang nais ay patuloy na kumita at ang pagkita ay nasa nagbabagong mundo kung saan ang agham at teknolohiya at komersyo ang nasa sentro.
sa ganitong setup e nagkaroon ng labis labis na nakapagtapos sa mga kursong ito isabay na ang kontraktwalisasyon kung kaya natengga o di kaya ay nagkaroon ng napakaraming kaso ng job mismatch.
unang tugon ay palakasin ang impluwensya ng wikang filipino sa mga paaralan upang ang intelektwalisasyon ay sa Filipino rin.
pangalawa, bigyang tuon ang pambansang industriyalisasyon. maglaan ng pondo para sa pagpapalakas ng industriya sa pilipinas dahil kung gayon, ang mga nakakapagtapos sa pilipinas ay sa pilipinas na rin at hindi na sa mga umaasa sa murang lakas-paggawa na mga dayuhang bansa
pangatlo, pilipino muna. ilagay sa sentro ng pamilihang pilipino ang produktong pilipino. tangkilikin ang sariling atin.
Answers & Comments

sana nakatulong.