Ang ating responsibilidad ay hindi upang lubusang iwasan ang media o tanggihan lamang ang mga negatibong media kundi ang piliin ang mabubuti at nakasisiglang media.
Social media
Sa ating makabago at puno ng teknolohiyang mundo, tayo ay nalalantad sa mga opsiyon: panoorin ito, basahin iyan, pakinggan ito. Ang ating lipunan ay puno ng media at libangan at ang impluwensya nila sa ating mga paniniwala, pag-iisip, at kilos ay dahan-dahan at paunti-unit ngunit napakatindi. Ang mga bagay na tinutulutan nating pumuno sa ating isipan ay siyang humuhubog ng ating pagkatao—tayo ay nagiging kung ano ang iniisip natin. Dinala ako ng aking graduate studies sa pagsasaliksik tungkol sa impluwensya ng media, at ang hindi maikakailang konklusyon na natuklasan ko ay na ang media na pinipili nating gamitin ay tiyak na may epekto sa atin, positibo man o negatibo.
Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Ang teknolohiya mismo ay hindi likas na mabuti ni hindi masama. Sa halip, ang mga layunin na naisasagawa ng at sa pamamagitan ng teknolohiya ay ang mga pangunahing sukatan ng kabutihan o kasamaan.”1 Ang responsibilidad natin ay hindi upang tanggihan ang teknolohiya kundi ang gamitin ito sa paraan na magpapaunlad sa ating buhay.
Magagamit natin ang kapangyarihan ng media sa ating kapakinabangan, para mapabuti ang ating mga kaisipan at pag-uugali sa pamamagitan ng:
(1) Pagkilala na tayo ay naiimpluwensyahan ng media at kung paano ito nakakaimpluwensiya sa atin.
Answers & Comments

(2) Pagtukoy at pagpili ng mabuting media.