Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan. May ilang mga taong nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na saysay o halaga ng kaniyang kapwa ay batay sa pakinabang na maaari nilang makuha mula rito. Maraming mga kompanya na binabale-wala na lamang ang maraming taong serbisyo ng kanilang
mga empleyado sa dahilang hindi na sila kasimproduktibo at epektibo noong sila ay bata pa at malakas. Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda. At lalo’t higit hindi sila katulad ng isang bagay na basta na lamang itatapon at isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang.Wala man siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na kondisyon, ay nararapat na igalang.
Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa. Halimbawa, ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali o walang hinihintay na kapalit (unconditional). Hindi nararapat na mabawasan ang paggalang ng anak sa
kaniyang mga magulang kapag ang mga ito ay tumanda na at naging mahina. Mahalagang iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos loob. Nakatatanggap tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya. Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng kakulangan.
Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan. Ang lahat ng materyal na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na inuubos ang ating panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang di matinag na karangalang taglay ng taoay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao. Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anomang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya bilang tao. Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito, hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anomang uri ng lipunan. Kailangan mo ng tulong mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito. Sa ganitong paraan, muli nating maaalala na tayo ay ANAK ng DIYOS.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
sana makatulong stay safe
pabrainliest nalng dn kung tama hihi