Si Ashoka Maurya (304 BCE-232 BCE) na karaniwang kilala bilang Ashoka at Ashoka ang Dakila ay isang emperador na Indiano ng Dinastiyang Maurya na namuno ng halos sa lahat ng subkontinentong Indiano mula ca. 269 BCE hanggang 232 BCE. Siya ang isa sa pinakadakilang mga emperador ng India sa karamihan ng ngayong India pagkatapos ng isang bilang ng mga pananakop na militar. Ang kanyang inperyo ay sumaklaw mula sa Hindu Kush sa Afghanistan hanggang sa kasalukuyang Bangladesh at sa estadong Indian ng Assam sa silangan at hanggang sa kasing-layo sa timog sa hilagang Kerala at Andhra Pradesh. Ang ang kabisera ng Imperyong Maurya ang Taxila, Ujjain at Pataliputra. Noong mga 260 BCE, si Ashoka ay nakidigma ng isang mapait na nakakawasak ng digmaan laban sa estado ng Kalinga (modernong Odisha). Kanyang sinakop ang Kalinga na wala sa kanyang mga ninuno mula kay Chandragupta Maurya ang nakasakop. Siya ay yumakap sa relihiyong Budismo pagkatapos masaksihan ang mga kamatayan ng tao na iniulat na higit sa 100, 000 tao sa digmaang Kalinga na kanyang isinagawa dahil sa isang pagnanais na pananakop. Ito ay humantong rin sa pagpapatapon ng mga 150, 000 tao. Unti-unting naakay si Ashoka sa Budismo sa simula ng mga 263 BCE sa pinakahuli. Kalaunan ay itinuon ang kanyang sarili sa pagpapalaganap ng Budismo sa buong kilalang mundo sa panahong ito. Itonurong ni Ashoka ang Budismo bilang isang doktrina na makapagsisilbi bilang isang pundasyong kultural para sa pagkakaisang pampolitikal. Si Ashoka ay kadalasang naalala sa kasaysayan bilang isang pilantropikong tagapamahala. Sa kantang mga kautusan sa Kalinga, kanyang tinawag ang kanyang mga nasasakupan bilang kanyang "mga anak" at binabanggit na bilang isang ama, kanyang ninais ang kanilang kabutihan. Sa kasaysayan ng India, si Ashoka ay tinutukoy bilang Samraat Chakravartin Ashoka - ang "Emperador ng mga Emperador na si Ashoka". Ang kanyang pangalang "asoka" ay nangangahulugang "walang kirot, walang kalumbayan" sa Sanskrit (ang isang privativum at soka "hapdi, dalumbhati). Sa kanyang mga kautusan, siya ay tinutukoy bilang Devānāmpriya (Pali: Devānampiya) o "Ang minamahal ng mga Diyos" at Priyadarsin (Pali: Piyadasī) o "Siya na tumuturing sa bawat isa na may pagmamahal". Ang kanyang kagiliwan sa ugnayan ng kanyang pangalan sa punong Saraca asoca o "punong Asoka" ay tinukoy rin sa Ashokavadana.
Answers & Comments
Verified answer

Iyan yung nakalagay sa libro kong binabasa.
#CarryOnLearning