Ang tangi ko lamang pong layunin ay mabigyan ng kamalayan ang ating mga kababayan at mga magulang. Sapagkat nakikita ko na parang walang pakialam ang iba sa atin lalo na tungkol sa mga kabataang nakikita nating palaboy-laboy sa mga lansangan.
Nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan? Ika nga ng ating pambansang bayani (Dr. Jose P. Rizal) ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ba’y mababaon na lamang ba sa limot? Huwag naman po nating biguin ang ating pambansang bayani. Kaya tayo po’y kumilos habang may panahon pa.
Mga magulang makinig kayo! Huwag ninyong pabayaan na lamang ang inyong mga supling sapagkat kayo ang magtuturo ng daang kanilang tatahakin. Kaya’t habang may panahon pa’y kumilos tayo bigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon. Kaya po nakapag-sulat ang inyong lingkod hinggil dito ay sa kadahilanang kahit saang dako ako pumaroon ay nakikita ko po kawalang pag-asa ng bansang ito
Answers & Comments
Answer:

#Carry on learning
#Let's Study