Kinatatakutan ng maraming hayop sa kagubatan ang Aso.
Ang mga Kuneho ay nanginginig kapag tumitig na ito.
Hindi na malaman ng mga Pagong ang gagawin kapag itinaas na nito ang mga paang may matutulis na kuko.
Pinipigil na ng mga Manok, Pusa at Bibe ang paghinga nila upang di mapansin ng nag-aalborotong Aso.
Ang Tagpo ng Kuwento
Pinaghuhusayan ang pagtahol sapagkat alam ng Aso na maraming natatakot na hayop sa paligid. Upang lalong maging malakas ang pagtahol, pinupuno niya ng hangin ang dibdib Naniniwala siyang ang mahinang tahol niya ay kaagad nagpapasisid sa mga Isda sa batis. Ang modulatong tahol naman ay nakapagpapagising sa mga naiidlip na Ibong biglang nagkakampay ng mga pakpak upang makalayo sa kinatatakutang ingay na nagbibigay sa kanila ng isang libo at isang pangamba.
Nagpapakaripas ng takbo sa Kambing, Pabo at Baboydamo ang malakas na tahol ng Aso. Ang sunud-sunod na tahol naman ay hudyat na upang magtago sa mga yungib ang mga Unggoy at mga Usa. Totoong marami ang natatakot dahil sa nakapaninindig balahibong mga tahol ng Aso.
Ang Pagtatapos ng Kayabangan
Sinundan minsan ng Aso sa sobrang kayabangan ang Leon na noon ay namamasyal sa kagubatan. Balak din niya itong takutin. Nang mapalapit ito ay nagpakayabang-yabang na sa tindig ang mananakot. Huminga ito nang malalim. Nang mapansing lumingon ang Leon ay nagsimulang magtatahol ang Aso. Parang matibay na Batong Gibraltrar na hindi man lang natinag ang Leon.
Sino talaga ang Hari
Nilundag ng Leon ang tumatahol na Aso kaya napatulala ito sa kahihiyan. Pinagsasakmal ng Hari ng Kagubatan ang Hari ng Kayabangan. Mabuti na lang at naawat ng Tigre at Gorilya ang Haring Leon nila. Kung hindi ay baka tinanghal na bangkay ang Hari ng Kayabangan, na nang mahimasmasan ay yumukod at humihingal na nagbigay galang sa Hari ng Kagubatang gusto sana niyang pasiklaban.
Answers & Comments
Answer:

Mga Karakter ng Kuwento:
Aso
Leon
Explanation:
Answer:
1.sa pamamagitan ng pag papakilala ng isang aso kung ano ang kanyang paguugali.
2.dahil sa kayabangan ng aso nanghamon sya.
3.nagmamalaki sya.
4.pinigilan ni gorilla at ni tigre si haring leon.
5.nagbigay sila ng galang sa hari ng kagubatan.
Explanation:
sana nakatulong, pabrainly din