Ang likas yaman ay ipinagkaloob sa atin ng maykapal. Kaya tayo ang may responsibilidad na alagaan ito dahil dito tayo kumukuha ng ating pangangailangan sa pang-araw-araw nating buhay. Kaya pag hindi natin ito inalagaan, wala tayong pagkukuhanan ng mga kagamitan. Kaya’t dapat ito’y alagaan sapagkat ito’y pagmumulan ng ating kaunlaran.
Inaalagaan natin ang mga likas yaman dahil sa maraming dahilan. Kapag naubos na ang mga ito, ang mga kagamitan na kailangan ay hindi natin makukuha at ito’y magiging malaking sagabal sa ating kaunlaran, at isa pa ito ay para sa ating pangkabuhayan. Kinakailangan natin ng mga pagkain na kabilang sa likas na yaman tulad ng mga gulay, prutas, isda, at mga karne para tayo’y makakain at mabuhay.
Maraming paraan ang maaaring gamitin upang mapangalagaan natin ang ating kalikasan. Puwede tayong makilahok sa mga proyekto ng ating gobyerno na nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kalikasan. Puwede natin umpisahan sa ating sarili at ang buong komunidad sa isang proyekto tulad ng tatlong R. Ito ay ang tinatawag na reduce, reuse, at recycle. Kung ating umpisahan at patuloy natin sasanayin ang ating mga sarili dito. Tiyak na maalagaan at mapapakinabangan na natin ang ating kalikasan sa mahabang panahon.
Kaya dapat nating alagaan ang ating mga likas yaman. At ngayon, dapat disiplinahin ang ating sarili upang maisakatuparan ito para sa magandang kinabukasan.
pa-brainliest :)
1 votes Thanks 10
XxgamergirlxX
tama po ba yan sana tama po para ma Brainliest kita
Kantoriikun
Tingin ko naman tama haha, essay naman po yang ginawa ko para sa Likas yaman ng Asya.
XxgamergirlxX
pa help sana yong nasa first ng questions ko need kuna wala nag sasagot
XxgamergirlxX
mamaya kita ibrabrainliest wala pa po nakalagay
Answers & Comments