Pa help naman po ಠωಠ
30 points nilagay ko...
Wala na po akong points pangtanong...
6. Bakit kailangan ng Pilipinas ang agrikultura at industria
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
7. Bakit kailangan palakasin ang kalakalan ng Pilipinas?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
8. Paano tayo nag-aangkat at nagpapadala ng mga produkto sa ibang bansa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
9. Saan ginamit ng pamahalaan ang mga nalikom na buwis mula sa mga tao at mga
kalakalan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
10. Bakit kaya nagkakaroon ng maling pamumuno sa bawat ahensya ng pamahalaan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Thanks po sa taong tutulong sa akin
God bless you po...
Answers & Comments
6. Bakit kailangan ng Pilipinas ang agrikultura at industria
Kailangan ng bansa ang agrikultura at industriya sapagkat ito ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at iba pang materyales na kinakailangan upang magpatuloy ang ekonomiya.
7. Bakit kailangan palakasin ang kalakalan ng Pilipinas?
Kailangan itong palakasin upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga Pilipino na magkaroon ng trabaho at upang mas maipakilala rin ang mga lokal na produkto ng Pilipinas sa iba't ibang panig ng mundo.
8. Paano tayo nag-aangkat at nagpapadala ng mga produkto sa ibang bansa?
Nakaaangkat at nakapadadala tayo ng mga produkto sa ibang bansa sa pamamagitan ng international trade at business na kung saan ang mga bansa ay nagkakaroon ng ugnayan upang makapagpalitan ng mga produkto.
9. Saan ginamit ng pamahalaan ang mga nalikom na buwis mula sa mga tao at mga kalakalan?
Ginagamit ang nalikom na buwis bilang pondo sa pagpapagawa ng mga istruktura na makatutulong sa mga Pilipino gaya ng mga paaralan, ospital, daan, tulay, at iba pa. Ginagamit din ito upang makapagbigay ng mga libreng serbisyo ang gobyerno gaya ng libreng check-ups, scholarships, at marami pang iba. Sa madaling salita, ang nalikom na buwis ay ginagamit para sa mga mamamayan ng bansa.
10. Bakit kaya nagkakaroon ng maling pamumuno sa bawat ahensya ng pamahalaan?
Isa sa dahilan nito ang pagiging gahaman sa pera at kapangyarihan. Hindi lahat ng namumuno sa mga ahensiya ay may magandang tunguhin. May iilan na nalagak lamang sa puwesto dahil sa kagustuhang makuha at manakaw ang pera ng bayan.
Isa ring dahilan ang kawalan ng transparency. Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga namumuno na itago ang kanilang katiwalian dahil walang nakakaalam o may promoprotekta.
Disclaimer: Mga opinyon ko po lamang ito
Answer:
6. Ang pag-unlad ng isang bansa ay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
7. Kailangan palakasin ang kalakalan ng Pilipinas upang ang ating bansa ay magkaroon ng ibat ibang pagbabago tulad ng mga imprastraktura atbp. Magkakaroon ng saganang kalakalan din kung ang mga mamamayan sa isang lugar o bansa kung magtulong tulungan.
8. Sa paraang BOT (Balance of Trade) kung saan kabayaran ng pagluluwas (export) at kabayaran sa pag-aangkat (import).
9. Ginagamit nila ito upang maging pundo/budget para makapag patayo ng mga public works.
10. Dahil sa korapsyon ng gobyerno at maling pagkakaintindi sa mamamayanan kaya nagkakaroon ng laban o hindi pagkakaunawaan.