Questions


October 2022 2 1 Report
pa answer po now na
plss
1.Ipinagdiriwang taon-taon sa lungsod ng Marikina ang Rehiyon-Rehiyon Festival. Alin ang pinakawastong paraan ng paghihinuha?
a.) Ang Marikina ay lungsod ng may mabubuting ugali.
b.) Matatagpuan sa Marikina ang pinakamalaking sapatos.
c.) Dito rin makikita ang pagbubuklod-buklod ng iba’t ibang lahing Pilipino.
d.) Marahil ito ang naging daan upang magkatipon-tipon ang mga Marikenyo upang malaman ang mga lahing pinagmulan nito.
2.) Ano ang mahalagang bagay na dapat isaisip kung sakaling ikaw ay nagbibigay ng paghihinuha?
a.) Kailangan mong maipakita ang iyong mga ebidensya.
b.) Kailangan mong suriin ang daloy ng mga pangyayari.
c.) Sikapin mong makahanap ng mga patunay.
d.) Magbigay ng mga obserbasyon batay sa nagaganap sa paligid
3.) Ano kaya ang kaugnayan ng kuwentong bayan sa mga lugar na pinagmulan nito?
a.) Natutuklasan natin na marami sa mga lugar na ito ay kwentista.
b.) Nakadaragdag ito sa mga imahinasyon na nagbibigay kulay sa lugar.
c.) Nagsisilbi itong salamin ng kultura at lahing pinagmulan ng mga tao rito.
d.) Nalalaman natin ang mga kakaibang kwento mula sa mga lugar na iyon.
4.) Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang kakikitaan ng paghihinuha batay sa mga pangyayari sa ating bansa?
a.) Dapat na sumunod ang bawat isa upang masugpo ang kumakalat na epidemya.
b.) Marahil ay matagal-tagal pa bago makabangon ang bawat bansa na apektado ng sakit na Covid-19.
c.) Ang mga payo ng IATF ay napakahalaga upang masugpo ang kumakalat na sakit.
d.) Ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan ay pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit.
5.) Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maaaring kahinatnan kung ang bawat isa ay magtutulungan?
a.) Siguro ay magkakaroon tayo ng isang masigla at payapang komunidad.
b.) Dito na magsisimula ang matiwasay na pamumuhay ng lahat.
c.) Dito na magsisimula ang matiwasay na pamumuhay ng lahat.
d.) Magiging ligtas ang bawat isa sa bawat araw na lilipas.
6.) Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga salitang ginagamit sa paghihinuha?
a.) ang tingin ko ay ...
b.) siguro
c.) baka
d.) dahil
7.) Alin sa mga sumusunod ang angkop na paghihinuha tungkol sa lumalalang kaso ng COVID sa bansa?
a.) Tila pataas nang pataas ang kaso sa Pilipinas habang tumatagal.
b.) Maaaring tumaas pa lalo ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
c.) 'Di-magtatagal ay matatapos din ang pandemya.
d.) Ayon sa IATF malayo pa ang laban ng Pilipinas sa COVID-19.
8.) Biglang dumillim ang kalangitan kasabay nang malakas na hangin at pagbugso ng ulan. Iyan ang paglalarawan ni Jose sa kanilang lugar. Ano ang angkop na hinuha sa sitwasyon?
a.) Baka dumating na sa kanilang lugar ang pinakamalakas na bagyo.
b.) Marahil ay may parating nang taglamig.
c.) Siguro ay hudyat na ito na sila ay kailangan nang lumikas.
d.) Magsisimula na ang pagtaas ng tubig baha.
9.) Mabilis na tumakbo palayo si Berto sa mga humahabol sa kanyang aso. Ano ang mahihinuha mong nangyari kay Berto?
a.) Sa tingin ko siya ay nadapa.
b.) Sa palagay ko ay hinabol at nakagat siya ng aso.
c.) Tila nagkagulo na ang mga magkakaibigan.
d.) Baka nagkakagulo ang lahat dahil sa ginawa ng aso.
10.) Palaging nakasigaw si Marites sa kanyang mga kaibigan at naging madalas ang kanyang pagiging magagalitin. Ano ang mahihinuha mo tungkol kay Maritess?
a.) Di malayo na siya ay may sakit sa sarili.
b.) Baka naman siya ay makagalit.
c.) Marahil ay nakaugalian na niya ang ganyang ugali.
d.) Siguro ay galit siya sa kanyang mga nasa paligid kaya laging nakasigaw.


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.