Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ito ay na-aalagaan ng mabuti sapagkat malubha na ang kalagayan ng ating kapaligiran ; saang kalye man tayo mapunta ay may basura tayong makikita, napakadumi na rin ng ating mga sapa, ilog , kanal at maging ang ating karagatan at kung atin mang sisisirin ang karagatan tiyak ay makakakita tayo ng mga pagong at mga isda na ngumunguya ng plastic dahil sa pag-aakalang ito ang magtatawid sa gutom na kanilang nararamdaman . Tila ba'y isa na lamang prebeliheyo ang paglanghap ng sariwang hangin sapagkat saan man tayo mag tungo sa syudad na ito'y nakakasulasok na amoy lamang ang naaamoy ko! Ang mga tao rin ay sunog ng sunog ng kung ano ano hindi man lang iniisip ang magiging bunga nito sa ating kapaligiran ; nang dahil sa walang pakundangang pagsusunog ay numinipis na ang ozone layer ng ating mundo na nagdudulot ng masama sa ating lahat dahil wala ng pumipigil sa ultra violet rays na pumasok sa ating mundo at maging ang pa iba ibang panahon ay dulot rin ng pasusunog ng mga tao . Napapansin ko rin na tila bay napapadalas na rin ang pag guho ng mga lupa. Alam niyo bang ang dahilan nito'y labis na pag-ulan at dahil na rin wala nang malalaking puno na siyang pumipigil sa mga landslide na ito? laganap kasi ang illegal logging kaya't isa isa na ring naglalaho ang mga puno sa ating kagubatan .Balikan natin ang katanungan paano raw natin ipinapakita ang pag-aalaga sa ating komunidad ? Wala , wala tayong ginawa na nagpapakita ng ating pag-aalaga sa ating kapaligiran at komunidad bagkus ay dahan dahan lamang natin itong pinapatay . TT_TT
Answers & Comments
Answer: