Ngayong nalaman mo na ang mahalagang papel na ginampanan ng mga natatanging Pilipino upang ating makamit ang ating tinatamasang kalayaan sa kasalukuyan, paano mo ihahalintulad ang mahalagang papel na ginagampanan ng ating mga frontliners na kaagapay natin laban sa paglaganap ng pandemyang covid 19 at itinuring ding bayani sa panahong ito? Gumawa ng isang card o sumulat ng isang liham ng pasasalamat at pagpapatibay para sa ating frontliners. Makikita mo sa ibaba ang ilang halimbawa na maaari mong pagkunan ng ideya para sa iyong gagawin
Answers & Comments
Answer:
Mahal naming FRONTLINER:
Nais naming ipadama sa iyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa iyong pagsasakripisyo upang kami ay manatiling ligtas. Ikaw ay may pamilya, mga mahal sa buhay na lubos na nag-aalala sa bawat minuto at bawat oras, at bawat araw ng iyong paglilingkod at pagharap sa panganib sa panahon ng matinding krisis na ito na dulot ng COVID-19 pandemic.
Mananatili kaming nananalangin para sa iyo habang iyong tinutupad ang iyong tungkulin nang higit pa sa inaasahan.
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa iyong kabayanihan.
MABUHAY PO KAYO!
Gumagalang,
(pangalan)