Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya
Sa Kanlurang Asya, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Triple Entente sa pangunguna ng Russia, France at Great Britain at ang Central Powers sa pangunguna ng Imperyong Ottoman
Noong taong 1917, nasakop na ng Allied Powers ang iba’t-ibang importanteng lugar sa Kanlurang Asya katulad ng Baghdad, Iraq at ang Jerusalem
Armistice of Murdos – ito ay ang kasunduan na nagwakas sa digmaan sa pagitan ng Allied Powers at ng Ottoman Empire
Noong Nobyembre 1918, nakuha at nasakop na ng Allied Powers ang sentro ng Imperyong Ottoman, ang Constantinople
Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya ang nagbigay-daan sa paglaya o pag-usbong nang damdaming nasyonalismo. Halimbawa dito ay si Mustafa Kemal Ataturk, na pinangunahan ang laban sa Imperyong Ottoman
Mandate System – Ito ay ang sistemang ipinatupad ng Allied Powers.
Noong Marso 3, 1924, bumagsak ang Imperyong Ottoman
Noong mga unang bahagi ng 20th century, ang kabuoan ng Timog Asya ay nasasakop ng Imperyong British.
Noong 1914, Nagdeklara ng digmaan ang India, bilang suporta sa Imperyong British, sa Triple Alliance, partikular na ang Alemanya. Ang India ay ang pangalawa sa pinakamalaking suportang armies sa buong daigdig
Khudadad Khan Minhas – Pagkatapos ng Unang Labanan sa Ypres, siya ay ang unang Indian na nagawaran ng Victoria Cross
Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya ang nagsilbing inspirasyon upang lalong sumidhi ang pagnanais na makalaya ang mga bansa sa Timog Asya sa mga Briton. Lalong dumami ang mga organisasyong na naglalayon na palayain ang kani-kanilang bansa.
Kanlurang at Timog Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula sa pagsakop ni AdolfHitler noong Setyembre 1, 1939 sa Poland
Anglo-Iraqi War – Ito ay ang digmaan sa pagitan ng pamahalaan ni Rashid Ali, isang masugid na sumusuporta kay AdolfHitler, at ng mga bansang Great Britain, Australia at Greece. Pagkatapos ng digmaan, sinakop ng Britanya ang Iraq hanggang 1947, upang maprotektahan ang mga plantasyon ng langis
Operation Countenance (Pagsakop ng Anglo-Soviet sa Iraq) – Ito ang pagsakop sa Imperyong Iran ng Russia at Britain noong 1941. Ang layunin ay masiguro ang mga Iranian oil fields at ang mga Allied Supply lines patungong Russia
Ang India noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sakop pa rin ng Imperyong British. Noong Setyembre 1939, opisyal na Nagdeklara ng digmaan ang India sa Nazi Germany. Nagpadala ito ng 2 milyon na sundalo upang labanan ang Axis Powers sa Europa, Asya atHilagang Aprika
Ang ika-4, ika-5, at ika-10 na dibisyon ng Indian Army ay nakipaglaban sa Hilagang Aprika. Naging maigting at malupit ang labanan ng India at ng Germany sa pangunguna ni Erwin Rommel
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya:
Answers & Comments
Answer:
Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya
Kanlurang at Timog Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya:
Explanation:
I hope makatulong yan sayo!