Natatandaan mo ba ang aralin natin tungkol sa Kumbensiyon sa Tejeros? Subukin mong gawin ang pagsasanay na ito!
Panuto: Ibigay ang salitang tinutukoy ng bawat bilang patungkol sa nakaraang modyul sa Kumbensiyon sa Tejeros. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
1. Ano ang lugar kung saan isinailalim sa paglilitis si Bonifacio at Procopio Bonifacio?
2. Ano ang petsa ng paghatol kay Bonifacio at Procopio ng parusang kamatayan?
3. Ito ang isinigaw ng mga Katipunero habang pinupunit ang mga sedula.
4. Ito ang lugar kung saan ginanap ang pulong ng mga rebolusyonaryo matapos mabulgar ang katipunan.
5. Sino ang nahalal bilang pangulo ng Kumbensiyon sa Tejeros?
6. Sino ang nahalal bilang Pangalawang Pangulo sa Kumbensiyon sa Tejeros?
7. Sino ang nahalal bilang Kapitan-Heneral sa Kumbensiyon sa Tejeros?
8. Ano ang dokumentong ipinalabas ni Bonifacio kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit pinawalang-bisa niya ang resulta ng halalan?
9. Ano ang pangalan ng nahalal na Direktor ng Digmaan?
10. Siya ang nahalal na Direktor ng Interyor.
Answers & Comments
Answer:
1.Bundok Buntis (Bundok nagpatong)
2.10 Mayo 1897
3.Ang sabay sabay na isinigaw ng mga katipunero pagkatapos nilang punitin ang kanilang mga sedula ay "Mabuhay ang Pilipinas!", "Mabuhay ang Katipunan!".
4.Balintawak Caloocan city
5.Emilio Aguinaldo
6.Mariano Trias
7.Artemio Recarte
8.Sa Katipunan, "Supremo" ang kaniyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong 23 Agosto 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isaisa'y pinunit ang kanilang mga sedula.
9.Andres Bonifacio
10.Andres Bonifacio