Nasa Huli ang pagsisisi Sa panahon ng pandemyang dulot ng sakit na COVID-19, maraming tao na ang nababagot sa loob ng kani-kanilang tahanan. Nais na nilang bumalik sa dati nilang pamumuhay. Isa na rito si Angel. Siya ay ang nag-iisang anak nina Ginoo at Ginang Perez. Palibhasa'y unica hija siya, lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng kaniyang mga magulang. Araw ng Sabado, ibinaba na sa General Community Quarantine ang dating Enhance Corrmanity Quarantine sa kanilang lugar. Bagamat nasa hustong edad na ay hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang mga magulang na lumabas ng bahay dahil natatakot sila sa maaaring mangyari sa kanya sa labas. Lingid sa kaalaman ng mag-asawa lumabas ng bahay si Angel Dumaan siya sa mall para bumili ng pagkain kung saan hindi isinasagawa nang maayos ang social distancing Mula sa mall ay sumakay siya sa bus patungo sa bahay ng kaibigan. Masaya silang nagkukuwentuhan kaya hindi niya namalayan ang oras. Pag-uwi niya ng bahay ay pinagalitan siya ng kanyang mga magulang. Kinaumagahan, mabigat ang kanyang pakiramdam. Masakit ang kanyang lalamunan at tila hirap siya sa paghinga kaya dali-dali siyang dinala ng magulang sa ospital. Pagkatapos ng mga pagsusuri , napatunayang siya ay positibo sa COVID-19. Nanatili siya sa ospital sa loob ng dalawang linggo. Sa kabutihang palad, siya ay gumaling at nakalabas na ng ospital. Sabik na sabik niyang hinanap ang kanyang mga magulang ngunit sa kasamaang palad ay wala na sila, nahawa pala sila sa kanyang sakit at hindi na nakayanan ng kanilang mahinang katawan ang dumapong karamdaman. Sa ngayon, mag-isa na lamang siya. Magsisi man siya ay hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang ama at ina. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap ayon sa kuwento Lumabas ng bahay si Angel upang magtungo sa Mall at sa bahay ng kaibigan Si Angel ay nag-iisang anak nina Ginoo at Ginang Perez. Nagpositibo sa COVID-19 si Angel at masuwerte naman siyang nakaligtas mula sa sakit na ito. Namatay ang kanyang mga magulang nang hindi niya nalalaman Ibinaba na sa General Community Quarantine ang dating Enhanced Community Quarantine sa kanilang lugar Ang COVID-19 ay lumaganap sa buong daigdig. Si Angel ay hindi pinayagang lumabas ng kaniyang mga magulang. Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigan. Pinagalitan si Angel ng mga magulang Sabik na sabik na hinanap ni Angel ang mga magulang paglabas ng ospital.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.