Isa sa mga papel ng gobyerno ay ang pangngasiwa ng ekonomiya. Layunin ng gobyerno na tignan ang ekonomiya ng bansa at maglaan ng kaukulang aksyon upang masiguro na hindi mabagal ang daloy ng pera at ng mga produkto at serbisyo sa bansa.
Dahil sa patuloy na pagpapatakbo ng gobyerno sa mga gawain nito, kailangan nila ng pondo. Dito pumapasok ang kahalagahan ng buwis. Dahil sa buwis na nakokoletka ng gobyerno, nagagawa nito ang gampanin na magbigay serbisyo sa taong-bayan.
Bawat taon, nagpapasa ang mga mambabatas ng pambansang badyet. Dito nakasaad kung magkano ang ilalaan na pondo para sa mga ahensiya ng gobyerno. Kinukuha ang pondong ito sa nakukuhang buwis. Ilan sa mga ginagastusan ng buwis ay ang mga ahensiya at opisina ng gobyerno. Narito makikita ang mga pampublikong paaralan, pampublikong ospital, mga pampublikong kalsada, pangngolekta ng basura, pambayad sa utang-panlabas, atbp.
Dito rin nanggaling pondo para sa militar at pulis. Sila ang namumuno sa pagtatanggol sa bansa at sa mga mamamayan nito.
Sa sangay naman ng maykroeconomics, ang buwis ay isang pagkontrol ng gobyerno sa isang produkto o serbisyo. Marahil maraming kita ang isang produkto at gustong kumuha ng bahagi ang gobyerno. Dahil din sa dagdag na buwis, tataas ang presyo ng produktong ito. Maaring panghinaan ng loob ang ilang tao na bumili nito dahil sa pagtaas ng presyo. Ito ay kadalasang ginagawa ng gobyerno para kontrolin ang pagbili ng isang produkto o serbisyo. Dahil din dito, ang mga tao ay gagastusin ang pera nila sa ibang bagay. Halimbawa ng mga produktong binubuwisan nang malaki ay mga produktong tobako at alak.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
pls pa brainlist