Questions


September 2022 2 0 Report
1. Ang mga sumusunod na bahagdan ay kabilang sa pag-unald ng kabuhayan noong sinaunang kabihasnan MALIBAN sa isa;
A. Ang “Nomadic Pastoralism’
B. Pagtitipon at paghahanap ng pagkain mula sa kalikasan
C. Pag-unlad ng agrikultura na may payak na pamamaraan
D. Pakikipagkalakalan ng mga Asyano taga kanluraning bansa
2. Ang Tsina ay matatag, maunlad at may maayos na kabuhayan nang matapos ang Imperyong Romano sa kanluran kaya naman tinawag at nakilala ito bilang ______________.
A. “Dynastic Cycle”
B. Estadong Dharma
C. Gitnang Kaharian
D. Panginoong ng Daigdig
3. Ito ay isang uri ng mga sinaunang pamahaan na kung saan pinamumunuan ng isang emperador.
A. Dinastiya
B. Imperyo
C. Kaharian
D. Monarkiya
4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sining ng sinaunang Asyano MALIBAN sa;
A. diyos- diyosan
B. hayop
C. bulaklak
D. tao
5. Ito ay isang uri ng arkitekturang Islamik na naglalarawan ng mga istrukturang may minbar o pulpito.
A. Angkor Wat
B. Borobudur
C. Masjid/ mosque
D. Ziggurat

6. Ito ay isa sa mga natuklasan ng mga Tsino na ginagamit sa mga sasakyang pandagat na nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay.
A. kompas
B. mapa
C. Global Positioning System (GPS)
D. astrolabe
7. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa
D. Dapat pahalagahan ang kultura ng bansa
8. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng
kaisipan, karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga sa
sibilisasyon.
A. Agham
B. Arkitektura
C. Kalikasan
D. Wika
9. Nakilala ang mga Asyano sa kanilang mga sining na nagsasalarawan ng
pangunahing paksa tulad ng:
A. Ispiritwalidad tungo sa kabanalan ng mga nilikha sa daigdig
B. Matotohanang larawan ng bagay sa paligid na ating nakikita
C. Mga damit, pagkain at mga makamundong bagay
D. Pisikal na anyo tulad ng pigura at katawan ng tao
10. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagkakaroon ng wika MALIBAN sa isa;
A. maipahayag ng mga tao ang kanilang kaisipan
B. magkakaunawaan ang isa’t-isa
C. mas maging epektibo ang komunikasyon
D. maging susi ito para makapanira ng ibang tao

11. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan, karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga.
A. Kultura
B. Wika
C. Edukasyon
D. Pulitika
12. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura, tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng iba’t ibang balita na nagbibigay ng masamang impresyon sa ating bansa?
A. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng
bansa
B. Paghahanda at pagbabasa ng progress report tungkol ditto
C. Video presentation ng mga pinagmamalaking kultura, tradisyon at mga
taong nagpapahalaga nito
D. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi- tanging tanawin
at kultura
13. Paano mapapakinabangan ang sistemang agrikultura sa kasalukuyan na pinasimulan ng mga sinaunang tao?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay ng mga tao sa kasalukuyan
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura noon at ngayon
C. Limitado ang supply ng karne dahil hindi marunong magpaamo ng hayop ang mga tao sa ngayon
D. Agrikultura ang isa sa mga pangunahing pangkabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan
14. Ang sakramentong ito ay ang simula ng buhay-pamilyang Asyano.
A. Binyag
B. Kasal
C. Kompisal
D. Komunyon
15. Kailan nagsimula ang edukasyong pormal?
A. nang maimbento ang pagbasa at pagsulat
B. nang magsimula ang paggawa ng mga aklat
C. nalimbag ang mga babasahin
D. lahat ng nabanggit

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.