Mga tanong:
1. Bakit napilitan si Pang, Marcos na magdaos ng "Snap Election"? llarawan
ang kinalabasan ng botohan?
2. Sa iyong palagay, bakit gayon na lamang ang suportang ibinigay ng
sambayanang Pilipino kay Pang. Corazon Aquino?
3. Nagaganap pa rin ba ang dayaan sa eleksyon sa kasalukuyan? Ano ang
maaaring gawin ng mga mamamayan para mahinto ang dayaan sa
eleksyon?
4. llarawan ang naganap na Rebolusyon sa EDSA. Bakit hinangaan ng buong
mundo ang mga Pilipino sa pangyayaring ito?
5. Ipagpalagay na ikaw ay buhay na noong 1986 at may sapat nang gulang
upang makilahok sa mga gawaing pulitikal sa bansa, makikiisa ka rin ba sa
milyun-milyong taong tumungo sa EDSA? Bakit?
6. Maituturing bang isang tunay na kabayanihan ang ipinamalas ng mga
Pilipino sa Rebolusyon sa EDSA Bakit?
Answers & Comments
Answer:
1. Dahil sa labis na paghahangad ng Pangulo na mabawi at mapatunayang malaki parin ang pagtitiwala ng mga tao ay ipinahayag niya noong Nobyembre13, 1985 ang pagdaraos ng isang Snap Election. Nagkaroon ng di umanoy dayaan sa halalan at nagwagi bilang pangulo si Ferdinand Marcos.
2. Dahil sa naging pang - aabuso sa karapatang pantao ng Administrasyong Marcos at dahil na rin sa simpatya ng tao sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Ninoy Aquino.
3. Hindi na, dahil maraming tao ang nagmamatyag at nagbabantay ng kanilang mga boto. Nariyan din ang mga kapulisan na nagbabantay sa mga presinto ng halalan para maiwasan ang dayaan.
4. Ang nangyaring Rebolusyon sa EDSA ay masasabi kong isang napakagandang halimbawa na buhay parin ang demokrasya sacating bansa. Ito ay pagpapakita ng pagkakaisa ng mga Pilipino para muling ibalik ang kalayaan ng bansa laban sa diktaturya sa mapayapang paraan. Hinangaan ng buong mundo ang mga Pilipino dahil nagawa nilang patalsikin ang isang diktador ng walang namamatay.
5. Oo, kung yun ang hinihingi ng pagkakataon sasama ako sa EDSA dahil naniniwala ako na mas maganda paring mabuhay ng may kalayaan at hindi nagpapasailalim sa pwersa at dahas.
6. Oo, masasabi kong isang tunay na kabayanihan ang ginawa nila sa EDSA dahil mas pinili nilanv harapin ang mga pwersang militar maipagtanggol lang ang kalayaan ng bansa mula sa mapang - aping administrasyon kahit na maging kapalit nito ay kanilang mga sariling buhay.
Explanation:
Care on Learning