Mga Tanong:
1.Ano-ano ang pangyayari sa loob ng bansa na nakaimpluwensya sa kamalayang maka-
bansa ng mga Filipino?
2.Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pag-aalsa nina Dagohoy, Pule, at
Silang?
3.Ano ang ancestral domain?
4. Bakit hindi naging maganda ang epekto ng monopolyo sa tabako sa Pilipinas?
5. Ano-ano ang dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa?
Thanks For Answers
Answers & Comments
Answer:
1. Sa katunayan, ang mga kolonyalismo't imperyalismo ang nakaimpluwensya sa kamalayang makabansa ng mga Pilipino noon at hanggang ngayon.
Nagkaroon noon ng mga pag-aaklas, rebelyon at iba-ibang uri ng pagrerebolusyon laban sa mga mananakop na gustong angkinin ang ating bayan. Isinilang ang mga bayani at manunulat na totoong nagpapamulat sa mga Pilipino gamit o sa pamamagitan ng sining.
Nagtagumpay man tayo't naging isang republika, may mga nagbago at nagpatuloy sa kultura ng Pilipinas pagkatapos lumaya sa mga dayuhang mananakop:
1. May mga kanluraning tradisyon ang patuloy pa rin nating pinagdiriwang gaya ng mga fiesta, kanluraning holidays at mga nakagawiang gawin sa mga relihiyong nanakop sa bansa.
2. Nagkaroon tayo ng colonial mentality (Basahin ang mga impormasyon tungkol dito sa link na ito - brainly.ph/question/1053253
3. Nabulag tayo sa "standard" ng ganda. Mas pinupuri ng mga Pilipino ang mga mapupusyaw o pang-mestisa na kulay ng kutis kaysa sa tunay na kutis ng kanilang lahi.
4. Nakuha natin ang "inferiority complex" dahil hanggang ngayon ay may imperyalismong U.S. pa rin sa bansa
5. Ang mga lenggwahe't dayalekto natin ay nadagdagan o nagbago. Niyakap ng ating kultura ang paghiram ng mga salitang mula sa mga banyaga. Espanyol at Ingles ang pinakamalaking impluwensya sa ating wika. Pinag-aaralan ng mga Pilipino ang mga wikang ito.
6. Mas malaki ang populasyong Kristyanong Katolika sa bansa kahit na ito ay relihiyong ginamit sa pananakop sa mga Pilipino para tingalain ang Espanya at bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng kanyang sariling lahi.
7. Maraming pa ring bulag na Pilipinong sumasamba sa mga nilikha't kalakalan ng mga kanluraning bansa gaya ng kapitalismo, pasismo, at sistemang patriyarkal.
2. Ang mga pag-aalsang pinasimulan nina Dagohoy, Pule, at Silang laban sa mga kolonyalistang mga Kastila ay magkakaparehong madugo at nagtapos sa pagkadakip at pagpatay sa kanila ng mga mananakop, maliban kay Francisco Dagohoy. Dagdag pa, ang rebolusyong pinamunuan ni Dagohoy ay itinuturing na isa sa mga pinakamahahabang rebolusyon laban sa mga Kastila.
3.Ang domain ng ninuno o mga lupang ninuno ay tumutukoy sa mga lupain, teritoryo at mapagkukunan ng mga katutubong tao, partikular sa rehiyon ng Asya-Pasipiko
4. Tumagal ng mahigit na 100 taon ang monopolyo ng tabako. At kung titingnan, lumaki ang kita ng Pilipinas dahil sa lumaking produksyon ng tabako. Pero hindi ito naramdaman ang kaginhawahan para sa mga tao. Lalong nakaranas ang mga Pilipino ng kahirapan. Bakit? Dahil kinonkontrol ng Espanyol ang pagbili at pagbenta nito. Maliit ang kinikita ng mga magsasaka, ngunit napakalaki ng tinutubo nila mula sa labas ng bansa.
5. Ang dahilan ng pagkabigo sa pag-alsa ay:
1.) Hindi pagpa-plano o paghahanda bago isagawa ang pakikipaglaban.
2.) Kulang sa mga tao.
3.) Kakulangan sa mga armas at kagamitan.
4.) Hindi kinaya ng inyong grupo ang kalakasan ng kalaban.
pa brainiest po pls