Questions


October 2022 1 9 Report
Mga Sistemang Pang-Ekonomiya
Isinulat ni Estrella C. Rubio
Sa pag-aaral natin ng Ekonomiks, natutunan natin na upang matugunan ang
suliranin sa kakapusan, bumubuo ang isang bansa ng isang sistemang pangekonomiya. An mga ito ay ang Traditional Economy, Market Economy, Command
Economy at Mixed Economy.
Sa Traditional Economy, ang sistema ng paggawa ay nakabatay sa tradisyon,
kultura at paniniwala. Samakatuwid, limitado lamang ito sa pagtugon sa pangunahing
pangangailangan ng pamilya o pamayanan katulad ng pagkain, damit at tirahan.
9
Ang Pilipinas at India ay iilan sa mga bansang sumailalim nito noong unang panahon.
Hawak ng pamahalaan ang ekonomiya na nasa ilalim ng Command
Economy. Sa sistemang ito hindi pinapayagan ng pamahalaan ang pribadong
pagmamay-ari ng ari-arian. Ang pamahalaan ang nagmamay-ari ng lahat ng salik ng
produksiyon tulad ng lupa, paggawa at kapital. Ang pamahalaan din ang nagpapasiya
kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano karami at kung paano
ipamamahagi. Layunin ng sistemang ito ang pantay-pantay na pamamahagi ng
kalakal. Sa kasalukuyan, ang Cuba at North Korea ay patuloy na sumusangguni ng
ganitong sistema.
Samantala nakabatay naman ang Market Economy sa napagkasunduang
presyo o halaga sa pagitan ng mamimili at nagtitinda. Kapitalismo ang umiiral na
patakaran dito kung saan pagmamay-ari ng pribadong mga tao ang mga salik ng
produksiyon. Batay rin ito sa doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy. Tinatawag
din itong free market o malayang kalakalan. Ilan sa mga bansang sumasailalim sa
sistemang ito ay ang Hongkong, Singapore, Australia at New Zealand.
Ang Mixed Economy naman ang pamahalaan ang gumawa ng iba’t ibang
paraan .upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at maalis ang mga hadlang sa
pag-unlad sa pamamagitan ng paglutas ng mga suliranin upang maging maayos ang
pamumuhay ng mga tao. Sa sistemang ito nakikialam ang pamahalaan sa ilang mga
gawain ngunit pinahihintulutan din ang pribadong pagmamay-ari. Malawakang
tinatangkilik ng mga bansa sa daigdig ang sistemang ito kasama ang Pilipinas sa
kasalukuyan.

Pamprosesong mga tanong:
1. Ano ang binabanggit sa teksto?
2. Ano ang iyong naramdaman matapos basahin ang teksto?
3. Kung pagbabatayan ang mga impormasyon sa Data Retrieval Chart,
masasabi mo bang malinaw mo ng naintindihan ang aralin?
4. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga sistemang pangekonomiya sa kasalukuyan?
5. Anong konklusyon ang mabubuo mo mula sa tekstong binasa?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.