Ang kabihasnang Greek ay ang una sa napatanyag na kabihasnang klasika. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Timog Silangang Europe. Mabundok ang Greece kung kaya ang nabuong kabihasnan nito ay pawang watak watak na mga lungsod-estado o city state. Ang klima ng Greece ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo, at barley. Liko-liko ang baybaying-dagat ng Greece at marami itong magagandang daungan.
ANG PANAHONG HELLENIC (800-338 B.C.E)
Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece. Ang hudyat ng simula ng pamamayagpag ng kanilang kabihasnan ay ang unang pagtatanghal ng palighasan ng mga laro bilang parangal kay Zeus. Ang sinaunang Olympics ng mga Greek ang nagsilbing inspirasyon sa makabagong Olympic Games na nagsimula noong 1896.
ANG POLIS
Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece ay polis. Ang mga polis ay mga lungsod-estado o city state. Tinawag itong lungsod-estado dahil malaya at may sariling pamahalaan ang bawat isang polis at ang pamumuhay ng mga tao rito ay nakasentro sa isang lungsod. Mahigpit na ipinagtatangool ng mga polis ang kanilang kalayaan sa isa’t isa. Madalas ay hindi nagtutulungan ang mga polis maliban na lamang kung may banta sa kanilang kaligtasan. Ang gitna ng lungsod ay isnag bukas na lugar kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao. Ang tawag dito ay agora.
Answers & Comments
Answer:

Wala po ba pic para maayus Kung Wala hanapin mo sagut sa brainly o gowgel