ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng HimagsikangFilipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak nina Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de Castro.
Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa Cavite ay inanyaya- han siyá doon upang mamagitan. Nauwi ang lahat sa pag-tatayô ng isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio Aguinaldo at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang pagmaliit sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya ang halalan sa isang dokumento noong 24 Marso. Kasáma ang dala- wang kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila. Sinundan ng mga Magdalo ang pan- gkat niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon, Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at pinarusahan ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)
Answers & Comments
Answer:
Si andress bonifacio ang nagtatag ng kataastaasan kagalanggalangangang katipunan.
Answer:
Si Andres Bonifacio
ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.