Ang Bulkang Mayon ng Rehiyon ng Bikol ay kilala sa buong mundo dahil sa kanyang hugis na simetrikong kono. Mayroon itong taas ng dalawang-libong metro at matatagpuan sa Albay. Ito rin ang pinaka-aktibong bulkan sa bansa ng Pilipinas, at ang huli nitong pagsabog ay noong ika-18 ng Setyembre, taong 2014 lamang.
Bundok Pulag
mt pulag trek tanawin sa taas ng ulapAng tuktok ng Bundok ng Pulag ay matatagpuan sa mga probinsiya ng Benguet, Ifugao at Nueva Vizcaya. Ito ay may taas ng 2,926 na metro, at ito ang ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas, Ang tanawing makikita dito ay dagat ng ulap, at sa gabi makikita ang nagniningning na mga bituin.
Chocolate Hills
libo libong chocolate hills na tanawin sa boholAng Tsokolateng Burol ng Bohol ay ang pinakasikat na tanawin sa Bohol. Ang mga burol ay naging tanyag sa kanilang mala-tsokolateng itsura kapag tag-init. Ang tinatayang dami ng mga burol dito ay hindi baba ng 1,260, at hindi hihigit 1,776, at ang sakop ng buong panturismong pook ay may limampung kilometro-kuwadrado
Hagdang-hagdang Palayan ng Banaue
Ang Hagdang-hagdang Palayan ng Banaue ay matatagpuan sa Ifugao. Ito ay sikat sa buong daigdig dahil sa malinis na pagkakaukit rito. Ang pagkalilok sa bundok ay isang malaking mysterio, dahil kakaunting materyales ang ginamit ng mga sinaunang katutubo ngunit sa pulidong pagkakagawa nito, mukha itong ginamitan ng mga modernong gamit.
Underground River ng Puerto Princesa
underground river na tanawin sa palawanAng Underground River na ito ay matatagpuan sa Palawan. Noong taon ng 2010, natuklasan ng mga heograpo at mga environmentalist na mayroong ikalawang palapag ang kuweba, nangangahulugang mayroon mga maliliit na talon sa loob nito. Ito ay kinilalang isa sa mga “New Seven Wonders of the World” noong ika-28 ng Enero, taong 2012.
Vayang Rolling Hills ng Batanes
vayang rolling hills na tanawin sa batanesAng Vayang Rolling Hills ay isa sa mga pinakasikat na lugar sa probinsya ng Batanes dahil dito mo makikita ang silangan at kanlurang bahagi ng isla ng Batan. Madalas itong kasama sa mga travel packages na binebenta ng mga iba’t-ibang kompanyang nag-aalok ng serbisyo para sa mga turista. Ayon sa mga turistang nakapunta na sa Batanes, parang wala daw sila sa Pilipinas pag tungtong nila sa Batanes dahil ibang-iba ang mga tanawin na makikita dito.
Taal Lake
taal volcano ang tanawin sa tagaytayIsa sa mga pinakasikat na pook pasyalan sa Pilipinas ang lawa ng Taal. Ito ay dahil sa bukod-tanging ganda ng bulkan na pinalilibutan ng lawa. Maliban sa nakabibighani nitong ganda, sikat din ang lawa ng Taal dahil sa sagana ito ng isdang Tawilis.
Boracay
Ang Boracay ang isang maliit na isla sa Pilipinas kung saan maraming tao na naeeganyong makita ang kagandahan nito. Matatagpuan ito sa "Northwest tip of Panay Island sa Western Visayas region ng Pilipinas. Ang Boracay Island ay nakatanggap na ng mga parangal mula sa mga ahensiya ng pamahalaan. Ang isla ay pinamamahalaan ng Philippine Tourism Authority at ang panlalawigang pamahalaan ng Aklan. Bukod sa kanyang white sand beach, ang Boracay ay sikat sa pagiging isa sa mga nangungunang mga destinasyon ng mundo para sa relaxation din. Noong 2012, ang Boracay ay iginawad bilang ang pinakamahusay na isla sa mundo mula sa International travel magazine.
Answers & Comments
Answer:
Magagandang Tanawin sa Pilipinas
Bundok Mayon