Maraming katungkulang ginagampanan ang Department of Science and Technology o DOST. Isa sa mga gawain ng DOST ay ang pagbalangkas at pagpapatibay ng komprehensibong plano para sa Pambansang Agham at Teknolohiya (National Science and Technology). Dagdag sa mga gawain ng DOST ay ang pagsusulong ng kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya. Bukod pa rito, isa ring gawain ng DOST ay ang pagsusulong at pagsasagawa ng mga pananaliksik na pang-agham at teknolohiya.
Karagdagang Mga Gawain ng DOST
Narito ang ilan pang mga gawain ng DOST:
Isinusulong ng DOST ang pagpapaunlad mga katutubong teknolohiya.
Nagsasagawa sila ng mga patakaran sa pananaliksik, teknikal na pag-aaral, at pagtatasa ng teknolohiya.
Bumubuo ang DOST at nagpapanatili ng sistema at lagayan ng mga impormasyon tungkol sa agham at teknolohiya.
Narito naman ang ilan sa mga tiyak na programa ng DOST:
DOST Scholarship para sa mga karapat-dapat na mag-aaral
Balik Scientist Program para sa mga Pilipinong dalub-agham
Pagsasagawa ng iba't ibang proyekto para sa ikauunlad ng magsasaka sa ilalim ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development
Answers & Comments
Verified answer
Mga Gawain ng DOST
Maraming katungkulang ginagampanan ang Department of Science and Technology o DOST. Isa sa mga gawain ng DOST ay ang pagbalangkas at pagpapatibay ng komprehensibong plano para sa Pambansang Agham at Teknolohiya (National Science and Technology). Dagdag sa mga gawain ng DOST ay ang pagsusulong ng kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya. Bukod pa rito, isa ring gawain ng DOST ay ang pagsusulong at pagsasagawa ng mga pananaliksik na pang-agham at teknolohiya.
Karagdagang Mga Gawain ng DOST
Alamin naman ang tungkulin ng DTI sa pagbisita rito: brainly.ph/question/441181