Questions


October 2022 1 4 Report
Mga Gampanin ng Pamahalaan Para sa Kanyang Mamamayan

Ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng lahat ng mga taong  sakop nito. Kung wala nito, walang kapanatagan sa bawat lipunan dahil  walang susupil sa masasamang gawain at kaguluhan at walang tutugon sa  pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang sandigan ng pag-unlad ng  sambayanan. Napakahalaga nito dahil sa pagbibigay halaga nito sa edukasyon, kalusugan, kaligtasan, at iba pang pangangailangan ng taong  bayan.

 Kailangan ng isang bansa ang pamahalaan dahil sa iba’t ibang gampanin nito para sa kanyang mamamayan. Tungkulin ng pamahalaan na gumawa ng  batas, magpatupad ng batas at bigyan ng pagpapakahulugan ito. Maliban dito, pinagtutuunan din nito ang iba pang gawain na ang ilan ay iniatas pa ng Saligang Batas katulad ng gawaing panseguridad, kaayusang panlipunan at  pang-ekonomiya at katarungang panlipunan.  Pinapangalagaan ng pamahalaan ang bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling Hukbong Sandatahan na magtatanggol sa bansa at magpapanatili ng katatagan nito. Sa pamamagitan din nito nagkakaroon ng  ugnayang diplomatiko ang bansa na kung saan ito ay nakikipagtulungan  upang mapabuti ang kabuhayan ng bawat mamamayan. Ito din ay nagtatakda ng mga batas upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga tao sa mga tinatamasang karapatan. Sa katarungang panlipunan may programa din ang pamahalaan upang mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng biktima  at akusado tulad halimbawa ng Witness Protection Program ng Kagawaran ng  Katarungan na nagbibigay seguridad sa mamamayang testigo laban sa akusado sa pagkakasalang kriminal. Itinataguyod din ng pamahalaan ang kaunlaran ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa maliliit na industriya at pagbibigay ng iba’t ibang tulong at pondo upang ang mga ito ay umunlad.  Binibigyang prayoridad din ng pamahalaan ang edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga paaralan at pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sa kolehiyo. Ang pamahalaan din ang nagbibigay ng babala sa mga mamamayan kung may kalamidad tulad ng bagyo, lindol, baha, pagputok ng bulkan at epidemya. Tinutulungan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mamamayang katulad ng nasalanta ng mga kalamidad, bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan at iba pang sakunang dulot ng kalikasan at gawa ng tao. Sa kagalingang panlipunan, may pabahay na inaalok ang pamahalaan sa abot kayang halaga para sa mga iskwater sa kalunsuran. Ang proyektong pangkabuhayan ang nauuna sa mga listahan upang makapagtrabaho ng maayos sa pamilya at sa bansa. Pinangangasiwaan din ng pamahalaan ang pisikal, pangkabuhayan, panlipunan, at pangkulturang kaunlaran ng bawat mamamayan, isa na dito ay ang pagpapagawa ng mga  kalsada, mga tulay at mga gusaling pampubliko para sa kaunlaran ng buong  bansa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Ano ano ang nagtutulungan upang lubos na matugunan ang ating mga

pangangailangan?

a. mga ospital                  c. mga pamilihan at paaralan

b. mga tindahan                             d. mga ahensya ng pamahalaan

2. Marami na ang naipatayong mga pampublikong pagamutan at paaralan

sa bansa.

a. seguridad                                                                  c. kagalingang panlipunan

b. katarungang panlipunan                              d. kaayusang pangkapayapaan

 

3. Agad na sinusuri ng kaukulang ahensya ang mga dayuhang mandaragat na

natatanaw na nangingisda sa loob ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.

a. seguridad                                                                  c. kabutihang pampamilya

b. kagalingang panlipunan                              d. kaunlarang pang-ekonomiya

 

4. Pinapatnubayan at sinusuri ng pamahalaan ang kalagayan ng pagtaas ng

dolyar upang hindi ito gaanong makaapekto sa ating kabuhayan.

a. kagalingang panlipunan                              c. kabutihang pangkalusugan

b. katarungan panlipunan                                             d. kaunlarang pang-ekonomiya

 

5. Ano ang layunin ng ating pamahalaan para sa mamamayang Pilipino?

a. para sa ating kabutihan at kaunlaran

b. para maging bahagi tayo ng kanilang gawain

c. upang matiwasay at payapa ang ating bansa

d. upang magkaroon tayo ng sapat na kabuhayan

pa sagot po ng maayos -_- i brainliest ko makakasagot ng maayos :)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.