Answer: Ang mga Pilipino ay mga mamamayan ng Pilipinas na ipinanganak sa Pilipinas at may mga magulang na Pilipino o mga taong naging mamamayan ng Pilipinas ayon sa batas (naturalized).[2]
Tinatayang higit sa 100 milyon ang mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas at may mga 10.2 milyon na naninirahan sa ibang bansa.[3]
Karamihan sa kasalukuyang mga Pilipino ay itinituring na mula sa pangkat etnikong Awstronesyano, ngunit malaki-laki rin ang bilang ng mga etnikong Tsino. Kasalukuyang maliit din ang bilang ng mga Aeta (o Negrito), ang mga orihinal na nakatira sa lupain ng bansa.
Tinataguriang isang salad bowl ang Pilipinas at sa kadahilanang ito, ang kultura ng mga Pilipino ay halo-halo bagaman hindi iisang-tulad ng parang melting pot. Gayundin, habang lubos na tinatanggap ng mga Pilipino sa Pilipinas ang pagkabilang ng kanilang bansa sa kontinente ng Asya ayon sa heograpiya, nararapat punahin na hindi nila karaniwang kinikilala kanilang sarili bilang mga Asyano (lalo na sa gamit Ingles), at tinatanaw ng ilan, partikular na ng karamihang mga may walang lahing Intsik, Hapon, o Indiyano, ang pagbabansag sa kanila nang ganito bilang offensive at labag sa likas na pagkamultikultural at multientiko ng Pilipinas.
Humihigit-kumulang ng 110 milyon ang bilang ng mga Pilipino o may mga pinagmulang Pilipino sa buong daigdig.
Tumutukoy ang pangalang Pinoy (Pinay kung kababaihan) sa mga Pilipino, kabilang lalo ang mga naninirahan sa ibang bansa.[4]
Explanation: Noong panahon ng kolonisasyon ng Kastila, noong ikalabing-anim hanggang ikalabing-siyam na siglo, may sistema kasta (caste) sa Pilipinas na katulad ng ginagawa sa Hispanikong Amerika, ngunit may malaking pagkakaiba. Ang mga katutubong Pilipino ay tinutukoy bilang Indiyo o Negrito. Habang tinatawag na Filipino o Insulares ang mga purong Kastila na pinanganak sa Pilipinas. Ang purong Kastila na di pinanganak sa Pilipinas ay tinatawag na Peninsulares.
Answers & Comments