Answer: Nag-aadapt ang kabihasnan sa kapaligiran nito.
(kopya lang to sa isang sagot ko kahapon)
1. Arkitektura - saan mang bahagi sa mundo, may impluwensiya ang kapaligiran sa anyo ng mga bahay at gusali na itinatayo. Hal. Dito sa Pilipinas, mayroong bahay kubo na gawa sa mga materyales na makikita sa kapaligiran natin, sa Gitnang Silangan (Middle East) ang mga bahay ay yari sa mudbrick dahil mainit doon.
2. Pananamit - tulad ng arkitektura, kailangang angkop sa kapaligiran ang pananamit ng mga tao. Hal. kung nakatira ka sa Arabia, kailangan mo ng makapal na damit sa paglalakbay sa mainit na disyerto. Ang mga materyales na makikita sa kapaligiran ay nakakapekto rin sa pananamit: hal. ang mga damit gawa sa sutla (silk) ng Tsina. Dito sa Pilipinas may telang gawa sa abaca at pinya.
3. Pagkain - ang uri ng pagkain ng tao ay depende sa anong nasa paligid niya. Hal. Sa bansang Hapon, malaking parte ng cuisine nila ang seafood dahil kapuluan ang bansa nila.
4. Wika - dahilan ng heograpiya ang mga hiram na salita (loanwords) sa mga nakapaligid na kultura. May kinalaman din ang heograpiya sa paraan ng pagsulat. Hal. Dito sa Pilipinas, dahil malapit tayo sa India at Tsina, marami tayong hiram na salita mula sa salitang Sanskrit at Intsik dahil sa pakikipagkalakalan: diwata, guro, agham, banyaga (Sankrit), pancit, lumpia, toyo, siopao, kuya (Intsik). Hal2. Ang kanji ng mga Hapones ay mula sa Tsina. Hal3. Ang abugidang Baybayin na ginamit ng mga Tagalog ay nagmula sa Asya, sinasabing nagmula ito sa Fenicio (Phoenicians) sa pamamagitan ng paglaganap nito sa India tungong Southeast Asia kung saan nagkaroon ng variation sa scripts (tulad ng Brahmi script sa India). Sinasabi na ang paraan ng pagsulat ng mga Hebreo at Arabo ay nagmula din dito.
5. Sining - nakakapekto ang kapaligiran sa mga materyales. hal. ang mga porselana na vases ng Tsina, ang mga artifacts na gawa sa jade. Kung ano ang dinedepict sa art ay nakabase din sa kapaligiran: mga bundok sa Tsina, mga elepante sa India, atbp.
iba pang epekto: social structures (herarkiya base sa hanapbuhay), agham, teknolohiya
Answers & Comments