Matapos mong matukoy ang mga mahahalagang salita ay subukin mo
namang ibigay ang iyong sariling ideya tungkol sa ugnayan ng heograpiya at
katangiang pisikal ng daigdig sa paghubog ng kasaysayan.
“Ang Heograpiya at kaalaman sa katangiang pisikal ng
daigdig ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa paghubog
ng kasaysayan ng tao sapagkat_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
“Ang Heograpiya at kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa paghubog ng kasaysayan ng tao sapagkat nakadepende and pamumuhay ng mga tao sa katangiang pisikal ng isang lugar. Halimbawa kung mayaman sa anyong lupa at tubig ang lugar, kadalasang pagtatanim o pagsasaka, at pangingisda ang hanapbuhay ng mga tao. Isa rin sa mga salik ng katangiang pisikal ng isang lugar ang klima. Kailangang maki-angkop ang mga tao sa panahon. May tamang panahon sa pag-aani at gayun din sa paglalayag.
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Ang planetang Earth, na kung tawagin natin ay daigdig, ay isa sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang pag-
inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao
Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat katangian sa isa't isa. Ang sistema ng halaman, halimbawa, ay nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang hayop at lamang-
dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay may benepisyong nakukuha buhat sa mga tao.
llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong daigdig.
Heograpiya
Ang salitang heograpiya ay nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Kaya, literal itong nangangahulugang, "paglalarawan sa daigdig".
Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal o Physical Geography, na agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa
kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng agham-pangkalikasan.