Ang kultura ng pilipinas o kalinangan ng pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng España, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa kultura ng Pilipinas. Ang wikang Filipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristyano, Pagano at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginanap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawain.
26 votes Thanks 79
ramoskylamae37
max, 'wag na triggered hayaan mo na sila bwhaha
Answers & Comments
Answer: