. KASIPAGAN AT DISIPLINA PARA SA MAUNLAD NA PAMUMUHAY SA LIPUNAN
2. KASIPAGAN SA PAGGAWA “Makakamit lamang ng tao ang bunga ng magandang buhay kung siya ay masipag, may dedikasyon, at disiplina.”
3. Narito ang mga gabay sa pagsasabuhay ng kasipagan at pagtitiyaga……..
4. SIMULAN ANG GAWAIN NA MAY PASASALAMAT SA DIYOS. Ang paggawa ay isang paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos.
5. MAGKAROON NG MATAAS NA SUKATAN SA PAGGANAP SA GAWAIN. Gawin ang pinakamahusay, pinakamagaling, at pinakapulidong trabaho o produkto na iyong magagawa. Iwasan ang mababang uri ng paggawa dahil sa pagtanggap at pagsunod sa paniniwalang “Pwede na iyan”.
6. MAGING MAAYOS AT ORGANISADO ANG PAGGAWA Maging kapaki- pakinabang at higit na epektibo ang pagganap ng gawain kung naplano, nailista o naihanda na nang nakaraang araw ang mga gagawin pagdating sa trabaho.
7. IKALUGOD ANG IYONG GAWAIN. Magiging magaan at kasiya-siya ang gawain kung may positibong pananaw sa pagganap nito.
8. TINGNAN ANG PAGKAKAMALI BILANG PAGHAMON SA PAG-UNLAD NG SARILI SA GAWAIN. Hindi maiiwasan na magkamali habang ginagawa ang tungkulin. Sa halip na mainis at tumigil na gawin ang gawain, isipin na natural o normal na sitwasyon ang magkamali sa lahat ng uri ng gawain.
9. SIKAPIN ANG PAG-UNLAD NG SARILI SA GAWAIN Walang tao na alam ang lahat na kailangang malaman sa kanyang gawain. Higit ang mga benepisyo na magiging bunga kung nagsisikap na magkaroon ng higit na kaalaman sa kanyang gawain.
10. PANATILIHIN ANG MATAAS NA INTEGRIDAD SA PAGGANAP NG TUNGKULIN. Ipagpatuloy ang mga pagpapahalaga sa mabuting paggawa sa pagsisilbi sa trabaho. Makikilala ka na masipag, matiyaga, at maaasahang bahagi ng samahan.
11. PAGIGING DISIPLINADO
12. DISIPLINA SA TAMANG PAGGAMIT NG PANAHON May mga tao na ipagpapabukas ang maaari namang gawin sa kasalukuyan. Ang ugali na pagiging procastinator ay madalas na magresulta sa gawain na pangkaraniwan lamang at hindi mataas ang uri o kalidad ng pagkagawa.
13. DISIPLINA NA MAGING RESPONSIBLE AT MAAASAHAN Pinipili sa mga trabaho ang mga manggagawa na nagpapakita ng pagiging responsible at maaasahang gawin ang mga gawain nang wasto at may kalidad kahit na hindi binabatayan.
14. DISIPLINA NG KATAPATAN SA GAWAIN Tapat sa paggawa ang disiplinadong manggagawa. Ibibigay niya ang pinakamahusay na kalidad ng trabahong inaasahan mula sa kanya.
15. DISIPLINA NANG PAGTITIWALA SA MGA SARILING KAKAYAHAN Laging isipin at isapuso ang iyong mga positibong talino, kakayahan, at talento para sa gawaing iniaatang sa iyo.
Explanation:
HOPEITSHELP
2 votes Thanks 1
glaizamaebacho
Thank u hantay ka na lng sa Brainliests ko later wala pa kasi naka lagay.
Answers & Comments
Answer:

HOPE ITS HELP