1. Isa sa magandang mga kaugalian ng Pilipino na talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ang bayanihan. Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino. Dito mo makikita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ng mga Pinoy.
2. Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang pagsasabi ng “po” at “opo.” Isa ito sa mga kaugalian ng mga Pilipino na tanda ng pagrespeto sa mga nakatatanda. Karaniwan itong sinasabi sa mga nakatatanda o sa mga hindi kakilala bilang paggalang. Ito marahil ang pinakasikat na tradisyon ng mga Pilipino.
3. Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ayon ay hindi pa rin nawawala ay ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa lang ay tinuturuan na ng matatanda ang mga mga bata para isabuhay ang ganitong kultura ng Pilipinas.
4. Bago kumain, nakagawian na ng mga Pilipino ang pagdarasal. Dito ay nagpapasalamat sila sa mga pagkaing nakahain, ang pagsasama-sama nila, at iba pang mga biyayang natanggap nila. Likas kasing relihiyoso ang mga Pilipino kaya isa ito sa magagandang halimbawa ng kultura sa bansa.
5. Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. Kaya kung naghahanap ka kung ano ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko, harana ang sagot d’yan. Bagamat hindi na kasing dalas gaya ng dati ang panghaharana, nananatili pa rin ang tradisyon na ito pero ginagawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa pangkalahatan, ang harana ang isa sa mga natatanging bahagi ng kultura ng mga Pilipino.
Answers & Comments
Answer:
1. Bayanihan
2. Pagsasabi ng "PO" at "OPO"
3. Pagmamano
4. Pagdadasal bago kumain
5. Panghaharana
Explanation:

Mas maayos ang kultura noon kesa ngayon