Magbigay ng isang mahalaga at makasaysayan pangyayari noong administrasyong magsaysay ?
✔︎Isang natatanging araw sa kasaysayan ng mga Pilipino ang naganap na inagurasyon ni Pangulong Ramon Magsaysay. Sa kauna unahang pagkakataon ay nagsuot ng barong tagalog ang Pangulo ng Republika sa araw ng kanyang panunumpa. Maging si Carlos P. Garcia ang halal na Pangalawang Pangulo ay naka-barong tagalog din.
✔︎Si Pangulong Magsaysay ay tinaguriang pangulo ng masa. Ito ay sa dahilang inilapit niya ang pamahalaan sa mga karaniwang tao. Sa kabila ng malawakang pagbatikos sa kanya, binuksan niya ang Malakanyang para sa mga ordinaryong tao. Inimbitahan at pinapasok sila sa Malakanyang sa takdang panahon. Pinalaganap niya ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsusuot ng barong tagalog at pagsasalita ng wikang pambansa. Ipinakita rin niya ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa karaniwang tao sa pamamagitan ng pagsabay sa kanila sa pagkain, pagtulog sa mga ordinaryong papag at paglalakad nang nakabakya sa mga bukirin kasabay nila. Lagi din siyang handa sa mga nais magpakuha ng larawan na kasama siya. Itinatag din niya ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC) upang tumanggap ng mga karaingan ng mga ordinaryong mamamayan at maparating ito sa kanya, at mabigyan ng solusyon. Upang tugunanan ang mga pangangailangan ng mga pamayanang etniko, itinatag niya ang Commission on National Integration .
Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
sana makatulong yarns.
Answer:
Si Ramón "Monching" del Fierro Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan.
Explanation:
isa yan sa pangyayari noon
#carryonlearning
pa brainlest